^

PSN Showbiz

Kabataang atleta ready na sa 2010 Youth Olympic Games

- Ni EA -

MANILA, Philippines - Ang Youth Olympic Games ay isang bagong sporting event para sa kabataan na naglalayong ba­lansehin ang sport, edu­kasyon, at kultura para sa kanilang kabutihan. Ang mga laro ay nag­si­­silbing “catalyst” sa mga naturang bahagi ng buhay kaba­taan at maging sa Olympic Movement.

Idaraos sa Singapore ngayong buwan ng Agosto, ang pangu­nahing adhikain nito ay ang big­yan ng kaalaman at karanasan ang mga kabataan base sa mga “Olympic values” na friendship, fair play, non-violence, and a rejection of any form of doping.”

Ang Youth Olympic Games ay naglalayong ti­punin ang mga talented athletes sa edad 14-18 mula sa iba’t ibang bahagi ng mun­do upang makilahok sa mga “high-level competitions”. Ngunit hindi lamang sport ang target nito kundi kaa­linsabay nito ang pagsusulong ng mga edu­cational programs na nagtatampok sa mga Olympic values, ang mga benepisyo ng sport para sa isang healthy lifestyle, ang mga aral sa social values, at ang mga pa­nga­nib na dala ng droga at ng “training to excess” at “inactivity.”

Pinaghandaan ng may 3,200 athletes at 800 officials ngayong 2010, ang vision ng Youth Olympic Games ay “to inspire young people around the world to participate in sport and adopt and live by the Olympic values.”

Lahat ng Olympic sports ay gaganapin at may ibang bago na “youth-oriented sports” na ipakikilala pa lamang. Sakop lahat ng 26 sports sa programa ng 2012 Summer Games, pero may “limited number of disciplines” at events lamang.

Kasali ang Aquatics, Archery, Athletics, Badminton, Basketball, Boxing, Canoe-Kayak, Cycling, Equestrian, Fencing, Football, Gym­nastics, Handball, Hockey, Judo, Modern Pentathlon, Rowing, Sail­ing, Shooting, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Triathlon, Volleyball, Weightlifting, at Wrestling.

Ang SOARtv at Solar Sports ang magpapalabas ng mga laro mula Aug. 14 hanggang 26.

Ang mga delegates ay ang sumusunod: Patricia Llena, Weight­lifting, Jasmine Alkhaldi, Swimming, Banjo Borja, Swimming, at Francis Alcantara, Tennis.

Ang iba pang delegado natin ay sina Jessie Lacuna, Dorothy Hong, at Jose Gonzales para sa Swimming; at Gelo Alolino, Mi­chaell Pate, Kieffer Ravena, Kevin Ferrer, at Ray Parks sa Basketball.

ANG YOUTH OLYMPIC GAMES

BANJO BORJA

DOROTHY HONG

FRANCIS ALCANTARA

OLYMPIC

SHY

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with