^

PSN Showbiz

Win Na Win noong July

-

MANILA, Philippines - Bidang-bida pa rin ang Primetime Bida ng ABS-CBN noong Hulyo matapos mamayagpag ang mga teleseryeng Agua Bendita at Noah sa national TV ratings na siyang nagtulak sa network para pumalo sa average audience share na 42.6%, mas mataas ng 9.4 puntos sa 33.2% ng GMA 7.

Hindi pa rin matinag sa unang puwesto ang primetime drama ni Andi Eigenmann bilang kambal na sina Agua at Bendita sa average rating na 36.7% na sinundan naman ng Noah na may 36.4%.

“Isang bagong soap genre ang umuusbong. Mas hinahanap ngayon ng mga Pilipino ang mga maka-Diyos na television dramas. Ang mga dramang ito ay maaring hindi lubusang makatotohanan pagdating sa istorya pero ang tema ay nakasentro sa ispiritwalidad,” sabi ni Kantar Media Philippines General Manager Gabriel Buluran sa kanyang naunang mga pahayag.

Tinawag ni Buluran ang naturang genre bilang ‘santaserye’ na sinimulan ng ABS-CBN noong nakaraang taon nang nilunsad nito ang multi-awarded series na May Bukas Pa. Ito ay tungkol sa batang si Santino (ginampanan ni Zaijian Jaranilla) na may kakayahang magpagaling ng anumang karamdaman at nagagawang makita at makausap ang Diyos na kung tawagin niya ay Bro.

“Para sa second quarter ng taong ito, bumaba ang people ratings ng GMA 7 sa Mega Manila ng 1%. Pagdating naman sa household ratings, na­u­nahan na ng ABS-CBN ang GMA 7 sa Mega Manila ng 2%,” dagdag ni Buluran.

Pawang ABS-CBN programs din ang sumunod sa Agua Bendita at Noah sa top ten programs para sa buwan ng Hulyo na kinabibilangan ng Kung Tayo’y Magkakalayo (36.3%), TV Patrol (30.9%), Maalaala Mo Kaya (29.8%), Goin Bulilit (25.8%), Agimat (25.4%), Magkaribal (25.3%), Rated K (24.5%) at Momay (24%).

Mas lalo namang umangat pa ang dati ng nangungunang mga programa ng ABS-CBN News and Current Affairs matapos ilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang pinakabagong survey kung saan 72% ng mga Pilipino ang nagsabing mas kapani-paniwala ang ginawang pagbabalita ng ABS-CBN sa nakaraang halalan.  

Win na win din sa ratings ang pinakabagong Kapamilya noontime show na Pilipinas Win na Win na nasungkit ang ika-12 na puwesto sa average rating na 23.1% na nagpataob sa kalaban nito na Eat Bulaga na bumagsak sa ika-45.

AGUA BENDITA

ANDI EIGENMANN

BULURAN

DIYOS

EAT BULAGA

GABRIEL BULURAN

GOIN BULILIT

HULYO

KANTAR MEDIA PHILIPPINES GENERAL MANAGER

MEGA MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with