^

PSN Showbiz

SONA coverage ng Kapamilya, wagi sa Pulse Asia

-

MANILA, Philippines - ABS-CBN pa rin ang pinakakapani-paniwalang TV network pagdating sa paghahatid ng balanse at tamang balita base sa isinagawang survey ng Pulse Asia kamakailan.

Mula Pebrero hanggang Hulyo ng taong ito, 72% ng mga Pilipino ang mas naniniwala sa ABS-CBN. Mas mataas ito kumpara sa 63% na nanini­wala sa GMA 7 at 32% na naniniwala naman sa TV5.

Ayon sa Pulse Asia, malaki ang naitulong ng mga programa ng ABS-CBN tulad ng Harapan at iba pang mga debate kaug­nay sa halalan pati na rin ng kampanyang Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula na siyang nagmu­lat sa pub­liko sa mga is­yu at sa ka­nilang kapangya­rihang tu­gunan ang kani­lang mga problema kung kaya’t mas pinani­gan sila ng samba­ya­nan.

“Hindi sila pupunta sa ABS-CBN kung hindi ito credible o ma­pag­kakati­walaan. Nadada­ma nila na sila ay empowered bi­lang ma­ma­­ma­yan kaya sila ay nag­te-text at nagpa­pala rito ng kanilang mga report,” sabi ni Pulse Asia Chief Dr. Ana Maria Ta­bunda sa panayam ng TV Patrol.

Wagi rin sa kakatapos lamang na SONA o state of the nation address ni Pa­ngulong Benigno Aqui­no III ang Kapamilya network para sa coverage nitong pinamagatang Boses ng Bayan: Unang SONA ni Pangulong Aquino na nag­tamo ng na­tio­nal rating na 18.7% laban sa Sona 2010 ng GMA 7 na may 15.6%.

Kinilala naman kamakailan ng Comguild Center for Journalism Awards si Ted Failon bilang Most Outstanding Male News Presenter; Karen Davila bilang Most Outstanding Female Presenter; An­thony Taberna bilang Best Male Field Reporter of the Year; at Ina Reformina bilang Best Female Field Reporter of the Year. 

BENIGNO AQUI

BEST FEMALE FIELD REPORTER OF THE YEAR

BEST MALE FIELD REPORTER OF THE YEAR

BOTO MO

COMGUILD CENTER

DR. ANA MARIA TA

INA REFORMINA

JOURNALISM AWARDS

KAREN DAVILA

PULSE ASIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with