^

PSN Showbiz

Annulled na noong June 21, Ogie malaya nang pakasalan si Regine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kausap namin si Iza Calzado sa taping ng Pilyang Ke­­ru­bin at masayang ibinalitang may regular show na siya sa GMA 7. Afternoon drama soap ang gagawin niya next month na wish niya at ’di isyu sa kanya ang time slot, basta drama.

Drama rin ang role ni Iza sa Pilyang Kerubin sa role ni Sandra na GF ni Abet (TJ Trinidad) at kampante siyang pa­nonoorin ng tao ang istorya nila sa fantasy-drama series dahil maganda at kapupulutan ng aral. She’s happy to be working with TJ again dahil magaling itong aktor at masarap kausap.

Samantala, kagabi ginawa ang storycon ng Super In­day and the Golden Bibe at si Iza ang kontrabida ni Marian Rivera. Aayusin ang schedule ni Iza para magawa ang pelikulang to be directed by Mike Tuviera at entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Unang nagkasama sina Iza at Marian sa drama movie na One True Love, maganda ang working relationship nila nang gawin ang pelikula at hindi siya nagpatalbog sa ak­tingan. Sabay din pala ang birthday nila sa Aug. 12.

Busy na uli si Iza sa tulong ng GMA Artist Center at co-manager niyang si Noel Ferrer dahil may TV show at movie siya at busy sa kanyang pagsali ng fun run para sa Gawad Kalinga. 

* * *

Hindi alam ni Sharon Cuneta na naunahan niya ang wedding announcement ni Ogie Alcasid sa wedding nila ni Regine Velasquez nang i-announce sa Megadrama concert niya na kinuha siyang ninang ng dalawa.

“Sabi ni Ogie kailangang maging ninang ka at pumayag na ako,” sabi ni Sharon at may inilabas pang mala-wedding invite na may OA at RV names printed.

Maganda ang flow ng concert at napatunayang puwede ang full-OPM repertoire, puwe­deng magkaroon ng repeat, pero sa Cultural Center of the Philippines o Philippine In­ternational Conven­tional Center na.

Samantala, Sharon’s Search for the Next Pop Superstar ang title ng ta­lent show ni Sharon sa ABS-CBN. Open for fe­male ang contest, 15-21 years old at start ng au­di­tion sa Aug. 19-20 sa Cebu, Aug. 20-21 ABS-CBN Dolphy Theater, at Aug. 27-28 sa Davao.

* * *

Nag-iyakan at kinilig ang mga co-hosts at fans nina Ogie at Regine sa an­nouncement ni Ogie sa Party Pilipinas kaha­pon na granted na ang pe­­tition for annulment niya noong June 21, kaya bago matapos ang taon, mapapakasalan na niya si Regine.

Nauna nang nasulat na Dec. 22 ang kasal ng da­lawa, pero walang bi­nanggit na date si Ogie. Narito ang ilang portion ng pahayag ni Ogie na ini­yakan din nila ni Song­bird:

“Bago matapos ang taon, itong si Regine ay pakakasalan ko. Nagpa­pasalamat ako sa family niya, sa kanyang fans da­hil sa pang-unawa pati na sa parents at family ko. I’m very, very happy and I hope you’re happy too my sweetheart. I love you and I promise you’ll be the happiest woman.”

vuukle comment

ARTIST CENTER

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DOLPHY THEATER

GAWAD KALINGA

GOLDEN BIBE

IZA

IZA CALZADO

MARIAN RIVERA

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with