^

PSN Showbiz

Katrina naging mailap

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi pa nalalaunang nagkita’t nagkasundo sina Clau­dine Barretto at Mark Anthony Fer­nandez pero naikasa na agad ng GMA 7 ang isang episode ng Claudine na pinag­samahan nila. Madalian pero hindi naisakri­pisyo ang kalidad ng programa.

Kung dati, napag-iiwanan ni Claudine si Mark sa pag-arte, hindi na ngayon dahil sa pag­daraan ng pa­na­hon ay nahasa na sa pag-arte ang anak ni Da­boy, lumaban na ito ng sabayan sa kaga­lingan ni Claudine.

Ideal partners pa rin sina Claudine at Mark, may chemistry pa rin sila at walang mapapansin na ila­ngan. Nag­kabati na nga sila na tala­gang kailangan dahil maganda silang tandem at for sure, masusundan pa ang pagpa­pareha nila.

* * *

Mukhang sa latest batch ng Star­Struck, mau­una­han ni Rocco Nacino ang mga kasamahan niya na marating ang stardom. Magagandang project ang naibibigay sa kanya at malalaking artistang babae ang nakakapareha niya.

Una na si Jennylyn Mercado at inili-link sana sila kundi lamang isang couple na sila ni Dennis Trillo. Mas may tsansa pa siya sa kanyang latest kapareha na si Lovi Poe dahil sinabi nito na hindi pala niya BF kundi friend lang ang con­gress­man na naka-detain sa Hong Kong.

Rocco shows take of the good breaks that come his way. Dapat pagbutihin niya ang kanyang craft at huwag dumepende ng pagsi­kat sa kanyang mga na­ka­kapareha. Established na sila at anytime, iiwan nila siya. Mas mabuting i-estabish niya ang sarili niya as a solo performer at hindi bahagi ng isang tandem o loveteam. Dito, sarili lamang niya ang aasahan niya.

* * *

Dahil sa nangyari sa kanya, naging aloof sa mga tao si Katrina Halili. Hindi mo naman siya ma­sisisi. Kahit hindi pa siya nakatitikim ng pambabastos, ayaw na niyang mangyari pa ito lalo’t isang sex video ang kaso, baka akalain ng tao na bastusin na siya.

Maski sa mga presscon para sa mga projects niya, kundi siya agad na umaalis ay hindi naman siya nagtatagal sa mga ito, parang takot na siya at hiling lamang na maintindihan siya. At tama she will heal fast para magawa niyang humarap uli sa maraming tao. Puwede ba natin siyang pagbigyan?

* * *

Talagang panahon ngayon ni Eugene Domingo, harangan mo man ng sibat ma­ka­raraan at makararaan siya tungkol sa hinahangad niyang kasikatan.

Biruin mo isa siyang Jejemon na ina sa Je­jemom, ang pinaka-latest na palabas niya sa GMA 7. Kaya kung nakikita n’yo siyang colorful ang attire at animo’y modelo ng isang brand ng clothing dahil sa rami ng kulay na dala-dala niya, intindihin n’yo na lang na dinadala niya ang character niya maski na sa likod ng kamera. At ito ang ikinaiiba niya sa karamihan, she gets to live her character kahit wala siya sa harap ng kamera para nga naman pagsalang niya ay kuhang-kuha na niya.

Congrats, Eugene, asset ka ng Kapuso Net­work!

CLAUDINE

DENNIS TRILLO

EUGENE DOMINGO

HONG KONG

JENNYLYN MERCADO

KAPUSO NET

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with