Grand Kapamilya Negosyo Fair 2, aarangkada na!
MANILA, Philippines - Gusto mo na bang guminhawa ang buhay mo? Nais mo bang magsimula ng sarili mong negosyo?
Kung ganun sumugod na sa SMX Convention Center sa August 14-15 para sa pinakaaabangang Grand Kapamilya Negosyo Fair 2 handog ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Mas malaki at mas engrandeng mga oportunidad para magkanegosyo ang naghihintay sa inyo mula pagkain hanggang teknolohiya, mula personal care hanggang sa pananamit at marami pang iba.
May pagkakataon ka ring makihalubilo at matuto mula mismo sa mga matagumpay na negosyante, eksperto sa pananalapi, at mga corporate leaders na magbabahagi ng kanilang mga tips at kaalaman kung paano magsimula at mas mapalago pa ang inyong mga negosyo.
Bilang bonus sa mga Kapamilyang dadalo, may mga nakakatuwang gimik din na dapat abangan mula sa mga paborito ninyong programa sa ABS-CBN News and Current Affairs at may mga business starter packages na ipamimigay sa mga suwerteng mananalo ng raffle.
Lalahok din ang mga celebrity entrepreneurs tulad nina Gladys Reyes, Tintin Bersola-Babao at Dimples Romana.
Magbubukas ang gates sa ganap na 10:00 a.m. at may P50 fee na kailangan bayaran bago makapasok.
Unang inilunsad ang Grand Kapamilya Negosyo Fair noong Nobyembre 2008 sa World Trade Center sa Pasay City kung saan mahigit 21,000 ang dumalo at binusisi ang mga serbisyo at produkto ng mahigit 80 exhibitors.
Para sa karagdagang impormasyon ay bumisita lamang sa website na http://abs-cbnnews.com/gknf.
- Latest