^

PSN Showbiz

Zoren pinagtataasan ng kilay

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakagugulat na kahit dadalawa lamang ang gi­na­­wa niyang pelikula nung 2009 ay kumita ng $56 M si Sandra Bullock. Sumunod sa kanya sina Reese Wither­spoon, Cameron Diaz, Jennifer Anis­ton at Sarah Jessica Parker. Dito makikita ang lawak ng ginagawang pamamahagi ng mga pe­likulang ga­wang Hollywood. Napanood ang mga ito sa mara­ming ba­ha­­gi ng mundo, kasama na ang Asya na mas pina­panood yata kesa local films kaya naman ang mga artista dun ay nakakapag-demand ng ka­nilang presyo at ang mga producer ay bina-bad­yetan ng malaki ang kanilang mga pelikula. Nababawi nila ito at tumutubo pa sila ng malaki.

Dito kaya sa atin sino ang mga highest paid na artista? Bakit kaya hindi gumawa ng survey to deter­mine kung sino ang mga artistang may pinaka-mala­laking TF. Siguro lahat tayo, gustong malaman kung sino-sino sila at ang mga milyones ba nila ay mula lamang sa mga ginawa nilang pelikula o kasama na rito ang mga palabas din nila sa TV?

* * *

Sayang sina Heart Evangelista at Jericho Rosales di ba? Inaamin ni Heart na talagang nag­ma­halan sila ng aktor pero nauwi sila sa hiwalayan dahil masyadong nasakal si Heart ng kanyang pa­milya. Hindi niya ito naipaglaban ng lubusan.

Wala namang regrets na nadarama si Heart, tanggap na niya na hindi sila para sa isa’t isa at ma­saya siya na nakatagpo na ito ng kanyang ma­mahalin kahit siya ay nauwi na naman sa hiwalayan sa kan­yang pinaka-huling relasyon.

Kuntento naman siya sa takbo ng kanyang career na magkatulong na pinatatakbo ng kanyang ina at ni Annabelle Rama.

Pinupunan ng pamilya niya ang kakulangan ng isang lalaki sa buhay niya. I won’t argue the importance of a family in anyone’s life pero darating at darating ang panahon na hahanapin niya ang company ng isang lalaki.

* * *

Inaabangan ng maraming manonood sa TV ang pagsisimula ng Love ni Mister, Love ni Misis, isang pang-umagang talk show na magtatampok sa mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Subok na ang kagalingang mag-host ni Carmina na nahasa ng maraming taon sa SiS. Ang inaabangan ng lahat ay kung makakaagapay sa kanya si Zoren na madalas sorpresahin ang mga manonood ng TV lalo na nang magpasya itong gawing aktibo ang kanyang career.

Pinagtaasan din siya ng kilay nang maging hurado siya sa isang paligsahan sa pagluluto. Tanong nila kung nagluluto din ba siya?

Sa panibago niyang hamon sa Love ni Mister, Love ni Misis makuha kaya niya ang simpatiya ng manonood o muli siyang pagtaasan ng kilay?

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CAMERON DIAZ

CARMINA VILLAROEL

DITO

HEART EVANGELISTA

JENNIFER ANIS

JERICHO ROSALES

MISIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with