^

PSN Showbiz

Tanya legal na Mrs. Lapid na!

RATED A - Aster Amoyo -

Legal na ang pagiging Mrs. Mark Lapid ng dating GMA contract artist na si Tan­ya Garcia dahil nag­pa­ka­sal na ang dalawa sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na ginanap sa Marissa Hall ng Po­rac, Pampanga nung naka­raang Biyernes (July 30) na sinaksihan ng malalapit na kaanak ng mag-asawa.

Siyempre, naroon ang parents ni Mark na sina Sen. Lito at Marissa Lapid at iba pang mga kapatid ni Mark, pamilya ni Tanya at ilang malalapit na kamag-anak. Naroon din ang uncle ni Mark na si Jess Lapid, Jr.

Sina Mark at Tanya ay may isa nang anak. Pag­ka­tapos ng civil wedding, inaasahan ang isang en­gran­deng kasalan sa simbahan na ma­lamang ga­na­pin din sa hometown ng mga Lapid sa Porac.

Huminto na sa kanyang showbiz career si Tan­ya simula nang magkaanak sila habang si Mark naman ay concentrated sa kanyang trabaho bilang general manager ng Philippine Tourism Authority (PTA) sa ilalim ng Department of Tou­rism.

* * *

Ang ating kaibigang U.S. Immigration Officer sa Tom Bradley International Airport sa LAX na si Tim Evans ang nag-post sa kanyang FB na kasama si Kris Aquino sa mga tatayong panel of judges sa gaganaping Miss Universe sa Las Vegas, Nevada ngayong August 23 kung saan ang kinatawan ng Pili­pinas ay si Venus Raj. Bukod sa nakababatang kapa­tid ni Pangulong Noynoy Aquino, kasama rin daw sa mga hura­do ang U.S. First Lady na si Michelle Oba­ma, ang Puerto Rican singing sensation na si Ricky Martin at iba pa. Kung totoo ang balitang ito, kauna-unahang pagkakataon ito ng controversial at (dating) misis ng cager na si James Yap na umupo bilang-judge sa isang inter­na­tio­nal at prestihiyusong beauty contest tulad ng Miss Universe. 

* * *

Nakakatuwa talaga ang mag-inang Pops Fer­nandez at Robin Nievera nang sila’y mag-dinner sa Toki Japanese Fusion and Fine Dining Restaurant nung nakaraang Lunes ng gabi. Kung hindi alam ng tao na sila’y mag-ina, mapag­ka­kamalan silang mag­kasintahan. 

Binatang-binata na si Robin at 35 lbs. ang nawala sa kanyang timbang dahil sa kanyang strict diet na sinimulan since January this year.

Kung si Robin ay sa musika ang hilig, ang naka­babatang kapatid nitong si Ram ay sa drawing at sketching naman ang hobby.

Sa kabila ng pagiging hiwalay nina Pops Fer­nan­dez at Martin Nievera, walang masasabi ang magkapatid sa kanilang estranged parents in terms of their obligations.

At kung kailan hiwalay na sina Pops at Martin ay saka naman sila magkasundung-magkasundo bilang mag­kaibigan at mga magulang ng dalawa nilang binatang anak.

DEPARTMENT OF TOU

FIRST LADY

IMMIGRATION OFFICER

JAMES YAP

JESS LAPID

KRIS AQUINO

LAS VEGAS

MISS UNIVERSE

POPS FER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with