^

PSN Showbiz

Ynna ayaw makisawsaw!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Isang relasyong showbiz na talagang ma­ituturing mo na ideyal kahit iniintriga na ay sina Ynna Asistio at Mark Herras. Kahit napaka­gan­da nang chemistry ng boyfriend niyang si Mark sa kapartner nitong si Heart Evangelista ay talagang ayaw pumatol ng dalaga ni Nadia Mon­tenegro. Tiwala siya sa boyfriend niya. Na siya namang dapat asa­han dahil kung lalahok pa siya sa gulo ng showbiz, masisira pa ang relasyon nila na matagal na rin nilang pinag-iingatan at ina­a­lagaan. Nakakatulong din ng malaki sa relasyon ng dalawa ang pagiging posi­tibo ni Mark sa kanyang career at walang inggit sa katawan at kuntento na sa kanyang mga achieve­ments.

Ganyan nga Ynna, suportahan mo na lang si Mark at ibigay sa kanya ang lubos mong tiwala. Huwag kayong magpaka-showbiz.

* * *

Congratulations kay Joel Lamangan. Bukod sa magandang ipina­ma­malas ng kanyang bagong gawang Mamarazzi na napakalakas ng ugong ngayon sa kapali­giran ng showbiz, nakasali rin sa isang inter­na­tional filmfests ang kanyang indie movie na Sigwa na nagtatampok sa malalaking artista na tulad nina ZsaZsa Padilla,Tirso Cruz lll, Gina Alajar, Dawn Zulueta at marami pa.

Tumunog ang pelikulang ito sa katatapos na Cinemalaya Filmfest at maraming award ang napanalunan.

* * *

O ayan na naman. Inuukilkil na naman natin ‘yung sinasabing pagtatangka ni Kim Chiu sa kanyang buhay. Nakaraan na ito. Ipagpasalamat na lamang natin na hindi siya naging casualty at nabigyan pa ng pagkakataon na maka­pagsisi sa kanya. Huwag na nating dagdagan ang gulo ng kanyang pag-iisip para makapag-isip siya ng ma­buti, ng maganda at hindi masama. At sana maging magkaibigan pa rin sila ni Gerald Anderson.

Ganun naman talaga ang buhay, hindi mo lahat makukuha. Tulad ni Kim, ang dami niyang projects, may sariling bahay, lupa at sasakyan na siya. Siguro marami na rin siyang ipon at magaling siyang artista. Pero kahit ang pinaka-magandang artista sa showbiz, nabibigo rin sa pag-ibig. Mas mabuti nang matagumpay sa lahat ng bagay pero bigo sa pag-ibig kesa naman bigo na sa lahat ng bagay, poor na loveless pa.

Count your blessings and thank God for them.

* * *

Milyonarya na raw si Eugene Domingo? Dapat lang! Karampatang kapalit lang ito ng ma­tagal na panahong pagtitiyaga, pagsisikap at pag­gamit sa tamang paraan ng talentong ibinigay sa kanya ng Panginoon.

Resulta lamang ito ng tamang pag-iimpok at paglalagay sa kaayusan ng kanyang buhay. Ga­nun lang naman talaga ang dapat gawin ng artista, maging masinop dahil hindi pare-pareho ang panahon. 

CINEMALAYA FILMFEST

DAWN ZULUETA

EUGENE DOMINGO

GERALD ANDERSON

GINA ALAJAR

HEART EVANGELISTA

LEFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with