Mossimo sumuporta sa reunion ng Mastaplann
MANILA, Philippines - Pagkaraan ng 15 years, sa darating na Agosto 14, Sabado, 8 p.m., magkakaroon ng reunion concert ang Mastaplann na gaganapin sa One Esplanade malapit sa Mall of Asia, Pasay City, kung saan gaganapin din ang 2010 DMC World DJ Championships (Philippine DJ Finals).
Ang Mastaplann ay binubuo nina Johnny (“Type”) Luna, Butch Velez Rodriguez (Tracer One), at ang 1992 DMC Philippines DJ champ na si DJ MOD (Master of Disaster), DJ Sonny at DJ Ouch. Sumikat ang Mastaplann noong dekada 90 at na-release ang kanilang unang commercial album sa ilalim ng Universal Records (UR) hindi lamang dito kundi sa Hong Kong, Malaysia, Indonesia, at Singapore sa tulong ni Jesse Gonzales ng DMC Philippines at ng yumaong Bella Tan ng UR.
Ngayon naman ay sumusuporta ang Mossimo, DMC Philippines, Pioneer DJ, Oxford Suites, DJ Academy, at Allen and Heath. Ang mga media partners ay U92, NU 107, 99.5 RT, Max 103.5, Jam 88.3, Magic 89.9. 101.1 YES FM, Wave 89.1, MYX, at Focal Cast. Para sa mga gustong magtanong ng tiket, tumawag sa Ticketnet sa 911-5555.
- Latest