^

PSN Showbiz

Uma nagsinungaling sa kanyang kabaklaan

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Mariing itinatanggi ni Richard Gutierrez ang isyung hinatid siya ni Jewel Mische sa set ng Survivor Philippines. Mismong mga staff ng Survivor ang nagkuwento sa aming hindi totoo ang tsismis dahil kasabay daw nila si Richard na pumunta sa location ng Survivor na sa August 30 na magsimula.

Matindi raw ang sakripisyo ng aktor sa reality show na ito dahil ibang project daw ito sa kanya. Kaya gustung-gusto siya ng mga staff dahil talagang buhos daw ang oras na binibigay niya sa programang ito.

Ayaw naman nilang ikumpara si Richard kay Paolo Bediones na dating host ng Survivor Philippines, pero nalagpasan daw ni Richard ang expectations nila bilang host. Kaya kung sakaling may susunod daw na Survivor, gusto sana nila, kay Richard uli ito ibibigay.

TANONG : Totoo raw kaya ang revelation ni Uma Khouny tungkol sa tunay niyang kasarian?

Komento ng ilang nakapanood sa interview nito sa Paparazzi, “ito namang si Uma, nag-open na rin lang, nagsinungaling pa!”?

Ilan sa mga nakakilala nang husto kay Uma ang tumaas ang kilay sa sinabi nitong puwede rin siya sa girl. Pinapalabas nitong silahista siya gayung lalaki naman daw talaga ang type niya.

Dating nakarelasyon daw ni Uma ang isang TV host na matagal na ring napagdududahang bading pero may anak.

Ang latest daw na karelasyon ni Uma ay isang doktor. Hindi lang daw sure kung sila pa rin.

TOTOO KAYANG malapit nang mapuno ang sikat na aktor sa girlfriend niyang sikat ding aktres?

Hindi na raw makatarungan kung magselos itong si aktres. Kaya napapagod na raw si aktor. Mahal lang daw talaga niya ito kaya hinahabaan pa rin nito ang pasensiya. Kilala namin si aktor na kung mapuno ay kaya nitong tapusin ang lahat.

Huwag naman sana, dahil ang dinig ko next year na ang balak nilang pagpapakasal.

TSIKA LANG : Hindi pa rin natatapos ang hidwaan nina Cesar Montano at ng ex-manager niyang si Norma Japitana.

Tahimik lang si Sunshine Cruz sa isyung ito pero nagbigay na rin siya ng kanyang statement.

Mas mabuti na nga sigurong mag-usap na sila at ayusin na nila ito.

vuukle comment

CESAR MONTANO

DAW

JEWEL MISCHE

KAYA

NORMA JAPITANA

PAOLO BEDIONES

RICHARD GUTIERREZ

SURVIVOR PHILIPPINES

UMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with