^

PSN Showbiz

Dahil sa kadukhaan, Nanay ni Venus sa TV lang manonood ng Miss U

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sa wakas, napanood ko na kagabi sa Cultu­ral Center of the Philippines (CCP) ang Cats kaya maraming-maraming salamat kay Papa Mi­guel Belmonte dahil sa complimentary tickets na ipinadala niya sa akin.

Very true ang sinabi sa akin ni Papa Miguel, marami akong makikita na pussy sa CCP. Pussy as in pussycats dahil mga pusa nga ang mga bida sa Cats.

Lalo kong minahal si Papa Miguel dahil sa mga tickets na ibinigay niya. Talagang itinago ko ang kanyang “short note!” para sa akin.

* * *

Sold out ang tickets ng Cats. Malalaking kum­panya raw ang bumibili ng mga tickets para sa kanilang mga empleyado kaya na-extend ang musical play na pinagbibidahan ni Lea Salonga.

Walang bakanteng silya ang Main Theater ng CCP nang manood ako kagabi, isang magan­dang sign na tinatangkilik na rin ng mga Pinoy ang mga ganoong klase ng show.

Hindi ang Cats ang unang ipinalabas sa CCP dahil dito itinanghal ang Miss Saigon.

Sold out din ang ticket selling para sa Miss Saigon nang dalhin ito ni Cameron Mackintosh sa Pilipinas noong 2000. Imagine, 10 years na pala ang nakalilipas mula nang mapanood sa ating bayan ang musical play na nagpasikat ng husto kay Lea.

* * *

Lumarga na si Venus Raj sa Las Vegas noong Miyerkules ng gabi. I’m sure, first time ni Venus na makapagbiyahe sa ibang bansa at ma­ka­punta sa US dahil kailan lang siya nag-apply ng Philippine passport.

Kung hindi pa nga nag-win si Venus sa Bini­bi­ning Pilipinas, baka matagalan bago siya makapaglamyerda sa ibang bansa dahil may kaguluhan ang kanyang birth records.

Inihatid si Venus ng kanyang ina sa interna­tional airport. Gustung-gusto ng nanay ni Venus na mapanood ang pagrampa ng kanyang anak sa Miss Universe pageant pero dala ng kahira­pan, manonood na lamang siya sa TV.

* * *

Natupad na ang pangarap ni Marvin Estrella na maging recording artist dahil available na sa lahat ng SM record bars ang kanyang self-titled album.

The who si Marvin? Siya ang Fil-Am na ma­hilig kumanta at nag-ambisyon na magka­roon ng sariling album pero natagalan ito dahil tina­pos muna niya ang kanyang four-year-college course sa Amerika.

Bagets pa si Marvin nang mag-migrate sa Ca­­lifornia noong 1992 ang kanyang pamilya. Six years old si Marvin nang ma-realize nito ang hilig at talent niya sa pagkanta.

Masuwerte si Marvin dahil si Vehnee Satur­no ang tumutulong sa kanya at composer ng mga kanta sa debut album niya na partly recor­ded sa California.

Huwag Nang Matapos Pa ang pamagat ng car­rier single ni Marvin at composition ito ni Vehnee.

Madalas na pinatutugtog sa mga FM station ang Huwag Nang Matapos Pa at marami ang nagtatanong kung sino ang singer ng bonggang kanta.

Si Marvin lang ang professional singer sa kanilang pamilya. Lawyer ang kanyang tatay na si Danilo at registered nurse naman ang nanay niya na si Lilia. Very supportive ang mga magu­lang ni Marvin sa bagong career ng kanilang anak.

* * *

Inamin ng isang baguhang aktres na reto­kado ang kanyang boobs. Hindi ako na-shock sa pag-amin niya dahil hindi siya ang nag-iisang artista na nagpa-overhaul ng dibdib.

Hindi ko muna sasabihin ang name ng new­comer pero tiyak na malalaman ninyo ang kan­yang katauhan dahil ginawa niya ang pagtatapat sa harap ng mga television camera!

DAHIL

HUWAG NANG MATAPOS PA

KANYANG

MARVIN

MISS SAIGON

NIYA

PAPA MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with