^

PSN Showbiz

Heart nag-iba ng statement kay Jericho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mabuti at hindi nagtanim ng sama ng loob ang sikat na singer-actress sa amang nag-utos na makipag-break siya sa isang ex-BF. Sinunod ng singer-actress ang ama kahit mahirap para sa kanya dahil mahal na mahal niya ang guy.

Sa isang interview, inamin ni SA na ang pina­kamasakit na pakikipag-break niya ay ang paki­kipaghiwalay sa ex na isang sikat at magaling na singer. Ang pagiging bata ni SA ang inirason ng ama kung bakit kailangan niyang makipag-break sa syotang singer.

Kung kani-kanino nali-link si SA, pero wala kaming balitang may naging BF siya after sa ex niyang singer. Ano ‘yun, hinahanap ni SA sa suitors niya ang qualities ng kanyang ex?

* * *

Magkakaibigan ang cast ng Langit Sa Piling Mo dahil naabutan naming magkakasamang nagku­kuwentuhan sa isang dressing room sina Heart Evangelista, Daniel Matsunaga at Ryza Cenon. Hindi nila kasama sina Mark Herras dahil kinukunan at si Katrina Halili ay inaayusan.

Dinepensa ni Heart si Mark, mabait daw ang kapareha at nakikipagkuwentuhan. Si Katrina ay nice, funny at parang little girl. Pati si Daniel ay naka­ka-bonding nila at nadiskubre niyang very conservative, family oriented, God fearing at nagsi­simba every Sunday.

Pinansin ng press ang nagmumura niyang kagandahan sa screen at ang sagot ni Heart, dahil masaya siya at hindi pinu-problema ang problema. Pati ang kanyang lovelife, hindi niya pino­problema, inaming cool-off sila ni Ian Dy at “single” ang status niya ngayon.

Masaya si Heart na may GF na ang ex niyang si Jericho Rosales dahil may mag-aalaga rito. Mabait daw ang actor at minsan napag-usapan nila ng kanyang ama na in different time and situation, baka natanggap daw nito si Jericho.

Ay, parang nalungkot kami.

* * *

Marami na ang naghihintay sa pagrampa ng 2010 Top 10 ng Cosmo Boys, pero sa September 9 pa ang big event, ilang linggo pa ang ipaghihintay ninyo mga girls at mga bading!

Kasama sa Top 10 sina Sam Milby na cover din ng centerfold ng Cosmopolitan magazine. Ang ilan pang nasa list ay sina Carl Guevarra, Joross Gamboa, Rocco Nacino, Christian Bautista at may Brapanese raw na nakasama. ‘Yung ibang kasama sa list ay ‘di pa namin nadidiskubre. Sina Joross, Rocco at Carl ay sigurado nang rarampa, pero si Christian, itsi-check pa raw ang kanyang schedule nang tanungin namin kung rarampa.

Dapat daw ay kasama si JC de Vera sa Top 10 at pumayag itong ru­mampa, pero nagkaroon ng konting aberya. Wala sa list sina Mark Herras at Mike Tan na naalala naming nagpahayag last year na paghahandaan para pumasok sila sa Top 10. Anong nangyari?

* * *

Matutuloy na sa Saturday ang first taping day ng mini-series ni Ryan Agoncillo sa TV5 na Lady Dada, pero hindi na si Lara Quigaman ang kanyang leading lady gaya nang nasulat namin, kundi si Mylene Dizon.

Nagkaroon ng problema kay Lara dahil natakot daw magpaalam ang manager nito sa ABS-CBN dahil may soap si Lara, pero walang kontrata. Nagtaas pa raw ng talent fee ang manager nito, kaya hindi na itinuloy ang negosasyon.

In-offer na dati kay Mylene ang makapareha ni Ryan sa show at ngayon lang siya natuloy. Unang kinukuhang makapareha sina Iza Calzado, Mikee Cojuangco na hindi pumuwede.

Si Joyce Bernal ang director ng Lady Dada at si direk Dante Garcia ang production designer at stylist. Kasama rin sa cast sina Roderick Paulate at Keempee de Leon.

vuukle comment

CARL GUEVARRA

CHRISTIAN BAUTISTA

COSMO BOYS

DAHIL

DANIEL MATSUNAGA

DANTE GARCIA

HEART EVANGELISTA

LADY DADA

MARK HERRAS

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with