^

PSN Showbiz

Richard ayaw makipag-usap kahit kanino

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ano na nga kayang latest kay Richard Gutierrez? Out of touch pa rin daw kasi ang aktor since umalis siya ng bansa para sa Survivor Philippines Celebrity Edition.

Wala raw itong kinakausap kahit sino.

Kahit si Ruffa ay sa Twitter account niya nagtatanong kung totoong nagpakalbo ang kapatid niya? May lumabas kasing issue na kinalbo siya sa isla kung saan sila nagso-shooting.

Maganda rin kasi ang feedback ng trailer ng pelikula nilang In Your Eyes kaya mas lalong maraming naghihintay kay Richard.

Mukhang drama to the max ang acting niya sa nasabing pelikula na produced ng Viva and GMA Films kasama sina Anne Curtis and Claudine Barretto.

Kung sabagay, Richard has done dramatic, romantic, comic and heroic roles onscreen both on TV and movies. Nagkontrabida na rin siya, essaying horror and fantasy parts.

Kaya sa In Your Eyes, trailer pa lang, may lalim na ang akting ng aktor.

At kahit dati na siyang umaakting, nagulat pa rin sina Anne and Claudine kay Richard sa pelikula. Maging ang director nilang si Mac Alejandre ay pinupuri rin ang aktor. “I always knew Richard as the boy-next-door and the superhero. But in this movie, he turned into a real dramatic actor. He really prepared for his role.

“Chard is a revelation,” dagdag naman ni Claudine.

Partly shot in Los Angeles, California nagkaroon ng chance ang tatlong bida ng pelikula na mag-bonding.

Actually interesting ang kuwento ng movie. Si Claudine (Ciara) and Anne (Julia) ay magkapatid na masasabak sa unexpected love triangle with Richard (Storm).

Si Ciara ay physical therapist sa LA who devoted her life to younger sister Julia nang mamatay ang kanilang magulang.

After years of separation, nag-reunite ang magkapatid sa LA when the latter got her student visa. Storm, a freelance photographer, follows Julia in LA kahit wala siyang definite plan.

In a move for Storm to acquire immigrant status, Julia asks him to marry Ciara na isang American citizen. As Storm struggle to find his place in a foreign land, Julia chases her own dream na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kaso ang oras na pinagsama nina Storm at Ciara ay dumating sa punto ng unexpected love affair.

Is the joy of love worth the pain it brings?

Bukod sa acting challenge, tested na si Richard sa lovescenes na ang pinaka-daring so far ay ito nga raw sa kanila nina Claudine and Anne.

Sinasabi naman ni Richard sa mga previous interview na he has always admired Claudine from a distance. Habang sila ni Anne ay feel pa rin ang malakas na chemistry lalo na sa kanilang lovescene sa loob ng kotse.

Mapanood nga ang pelikulang ito. Showing na sila sa August 25.

* * *

True daw na may pagka-lukring (luka-luka) ang isang young actress kaya hindi nakakatakang may ginawa itong kabaliwan lately.

Matagal na raw itong lukring dahil sa kanyang mga magulang na matagal nang hiwalay.

Hindi rin daw nito gaanong ma-handle ang mabilis na pag-arangkada ng kanyang career kaya ayan, nagluluka-lukahan na dahil lang sa isang lalaki.                                                                      

vuukle comment

ANNE AND CLAUDINE

ANNE CURTIS AND CLAUDINE BARRETTO

AS STORM

CIARA

CLAUDINE

CLAUDINE AND ANNE

IN YOUR EYES

JULIA

RICHARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with