Lovi tameme sa kaso ng BF
Hindi member ng Vamps (may mga tattoo ang members nito) si Lovi Poe, pero may tattoo ang singer-actress sa magkabilang bahagi ng upper torso, ‘yung nasa pagitan ng chest at back area. “My wings” at “my gravity” ang naka-tattoo sa both sides ni Lovi na ‘di namin natanong kung ano ang ibig sabihin.
Ayaw magsalita ni Lovi sa kaso ni Rep. Ronald Singson at sa estado ng kung anumang relasyon meron sila. “I can’t answer, sorry” ang sagot sa lahat ng tanong at “hindi ko alam” ang sagot nang tanungin sa status niya dahil nabalitang break na sila ng politician.
Puro tungkol sa career ang in-entertain na questions ni Lovi na nag-pictorial na with Rocco Nacino para sa pagtatambalang episode ng Lovebug na kukunan sa Buswanga at Calauit, Palawan mula August 9 to 11 sa direction ni Topel Lee.
After Palawan, aalis si Lovi kasama ang cast ng Show Me Da Manny na magte-taping sa Singapore at Aug. 19 ang kanilang alis. Tatapusin din nito ang shooting ng horror movie na Whitehouse ng Regal Films.
Halatang nasaktan si Lovi sa akusasyong fair-weather friend siya dahil wala sa tabi ni Rep. Singson kung kailan kailangan nito ng tulong. Malungkot na “They don’t know me” ang sagot.
* * *
May tsikang nagpa-pack-up ng taping ng Langit Sa Piling Mo for the second time si Mark Herras at nang hingan daw ng paliwanag, may ipinakitang medical certificate bilang patunay na siya’y nagkasakit. Ang tungkol sa isyung ito ang itinanong namin sa actor nang makausap sa set ng nasabing soap nila ni Heart Evangelista sa San Fernando, Pampanga.
“Totoong nagkasakit ako dahil sa over-fatigue at hindi ako gumawa ng alibi. Hindi rin naman totally pack-up ang taping dahil tuloy ang taping ng mga kasama ko. Ako naman hangga’t kaya ko ang trabaho, tatapusin ko,” paliwanag ni Mark.
Natutuwa si Mark sa feedback ng viewers ng soap na lumitaw ang chemistry nila ni Heart habang tumatakbo ang istorya ng Langit Sa Piling Mo. Siguro raw na-develop na ang tandem nila at nawala ang ilang factor sa pagitan nila.
* * *
Gaya nang ipinangako, si Mark Anthony Fernandez ang guest sa final episode ng drama anthology ni Claudine Barretto na Claudine sa GMA 7. This Wednesday ang first day taping ng dalawa, but as of yesterday, wala pang nakikitang location dahil may beach scene.
Soap na raw ang next na gagawin ni Claudine sa Channel 7, pero wala pang detalye at kung walang magiging aberya, tuloy na ang movie nila ni Mark sa Viva Films at isusunod after In Your Eyes nila nina Anne Curtis at Richard Gutierrez na showing na sa August 18.
Sa Aug. 15 ang scheduled premiere night ng movie, pero ‘di pa rin makakabalik si Richard mula sa shoot ng Survivor Philippines : Celebrity Edition.
Tiyak na matutuwa ang fans na nagre-request ng movie nina Claudine at Mark at mas matutuwa sila kung pati sa soap, sila rin ang magkasama. Bagay daw sa kanila ang Somewhere na unang ginawa nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.
- Latest