Ruffa hindi agad bumigay kay Cesar!
Magkasunod na magdiriwang ng kanilang birthday sina Dindong Dantes (August 2) at Marian Rivera (August 12) at gusto sana nilang pumunta ng Disneyland sa Florida USA pero ipit sila sa kanilang trabaho kaya wala silang choice kundi dito mag-celebrate. Masaya naman sila dahil magkasama sila at ‘yun ang importante sa kanila.
Thirty na si Dingdong kaya iniisip ng kanilang mga fans na baka nag-isip na silang mag-asawa ni Marian pero sinabi nilang pareho na hindi pa sa ngayon, enjoy pa sila sa kanilang life and career.
Baka siguro kapag dumating ng edad 30 si Marian at 34 naman si Dingdong.
No problem because ang buhay ng babae ay nagsisimula lamang sa ganitong edad. Kaya enjoy ka pa, Marian, marami pang oras.
* * *
Hindi ko naman masisi si Lovi Poe kung tumanggi itong dalawin ang sinasabing dyowa niya sa kulungan sa Hong Kong. At hindi ko rin masisi ang marami kung isipin nilang girlfriend lamang ito sa ginhawa at hindi sa hirap. Mayroon nga namang inaalagaang career at buhay ito na masasabi kong naapektuhan ng labis sa naging kaganapan.
Hayaan na muna natin siya to grieve in peace and in silence. For all we know, itinatago lamang niya ang nararamdaman niya, katulad nang ginawang pagtanggi ni Kris Aquino sa naging damdamin niya sa paghihiwalay nila ng asawa niya.
Hindi naman madali ‘yung pinagdaraanan ni Lovi ngayon, life and career have to continue sa kabila ng mga nangyari. Keep it up, Lovi!
* * *
Mukhang interesado na nga ang Venezuelan na si Cesar Flores, bossing ng Smartmatic kay Ruffa Gutierrez. Nasa Venezuela sa kasalukuyan ang Venezuelan bachelor samantalang si Ruffa ay bumiyahe naman ng Europe kasama ang mag-inang Vicki Belo at Crystalle Henares.
Tinext yata ng binatang dayuhan ang dating Miss World Princess at iniimbita itong dumaan ng Venezuela dahil gusto siya nitong ipakilala sa kanyang mga magulang pero, tumanggi si Ruffa dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon para rito.
Ruffa, ganyan nga pangatawanan mo ang pagiging Pinay mo, huwag kang bibigay agad.
* * *
Hindi lamang seryoso sa kanyang trabahao si Jackie Rice. Mukhang ang kanyang pagtatangka na maipakita sa GMA 7 ang kanyang kumpletong pagbabago, binago na rin niya ang kanyang attitude sa kanyang work.
Mukhang sa Ilumina ay makikita ang isang bagong kontrabida na hindi lamang maganda kundi effective rin. Kung ako kay Rhian Ramos, babantayan ko si Jackie at baka masapawan siya nito.
Kailangang sabayan niya ang husay nito bilang kontrabida ng husay din sa pagiging bida naman. Pero knowing Rhian, wala itong ginawang project na hindi siya nag-shine. Katunayan, she has shown everyone that she has what it takes to become a big star - ganda, talent, professionalism at suwerte.
Dapat talagang galingan ni Jackie kung hindi, siya naman ang mapag-iiwanan ni Rhian.
- Latest