^

PSN Showbiz

Dyowa ni John Estrada lumalapad

- SEEN SCENE -

SEEN : Mukhang mataba si Kris Aquino sa TV screen ngunit payat siya sa personal.

SCENE : Nabiktima si Christian Bautista ng mga piloto ng Philippine Airlines (PAL) na biglang nag-resign.

Sumakay si Christian sa ibang airlines upang makahabol siya sa guesting niya sa Pilipinas Win na Win noong Sabado.

SEEN : Ikakasal sina John Estrada at Priscilla Meirelles sa February 2011.

Dapat bantayan ni Priscilla ang kanyang diet dahil lumalapad ang katawan niya.

SCENE : Si Richard Gomez ang original choice sa role ni Cesar Montano sa Ilumina.

Hindi tinanggap ni Richard ang offer. Si Cesar ang tatay ni Rhian Ramos sa Ilumina.

SEEN : Sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado ang ilan sa mga special guests sa birthday dinner ng entertainment columnist at talent man­ager na si Ethel Ramos sa Annabel’s Restaurant noong Sabado.

SCENE : Hindi na­karating sina Aga Muh­lach at Angel Locsin sa birthday dinner ng ka­nilang manager dahil may shooting sila sa Batangas province.

Ang Star Cinema ang producer ng ginaga­wang pelikula nina Aga at Angel.

SEEN : Halata ang excitement at kaba ni Claudine Barretto sa paghaharap nila kahapon ni Mark Anthony Fernandez sa Showbiz Central.

Matagal na hindi nagkausap ang ex-lovers.

SCENE : Humingi ng paumanhin kay Manny Pacquiao ang reporter ng ABS-CBN dahil ang video ni Liza at hindi ni Isidra ang ipinakita sa telebisyon.

Kapatid ni Manny sina Liza at Isidra. Si Isidra ang nahuli ng mga pulis sa isang illegal na pasu­galan sa General Santos City.

vuukle comment

AGA MUH

ANGEL LOCSIN

BONG REVILLA

CESAR MONTANO

CHRISTIAN BAUTISTA

CLAUDINE BARRETTO

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

ETHEL RAMOS

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with