^

PSN Showbiz

Zoren buhay binata kay Carmina

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Noong una, akala ko ay mahiyain si Zoren Le­gas­­­pi pero ang galing niyang sumagot sa press­con ng Love ni Mister, Love ni Misis. Spont­an­eous ang aktor at bagay silang maging host ni Car­mina Villar­roel sa bagong show ng GMA 7.

Stable ang kanilang relasyon for 10 years kahit hindi pa kasal. Naniniwala sila na sila na forever.

Sabi nga ni Zoren, sobra ang tiwala sa kanya ni Mina kaya feeling niya, binata pa rin siya.

“Kapag nanood ako ng sine na last full show at umu­wi ako sa bahay ng 1:00 a.m., never siyang nag­tanong. Ayaw kong sirain ang pagtitiwala niya sa akin. Hindi siya ‘yung tipong nangungulit kung saan ako nanggaling,” kuwento ng aktor.

Sa sampung taong pagsasama ay para lang silang magkapatid ang set-up.

Ano naman ang masasabi ni Mina sa kanyang asawa?

 “Kung merong dapat bigyan ng award bilang best father o ulirang ama, si Zoren yun. Loyal din siya sa akin at grabe nahahati niya ang oras dahil prioridad niya ang aming kambal”.

* * *

Nalulungkot naman kami kung totoo ang balitang matitigbak na ang programang Good Morning Kuya ng UNTV hosted by Daniel Razon.

Susme, ang gaganda nga ng kanyang mga seg­ment sa prog­rama kung saan malaki ang naitutulong nito laluna ang Clinic ni Kuya Daniel kung saan ma­ra­ming mahihirap na maysakit ang ka­nilang natu­tulu­ngan kahit ang mga writers o Movie Writers Wel­fare Foun­dation. Isa itong public service program na nagsi­sil­bing magandang ha­lim­bawa sa ibang programa sa telebisyon. Hindi kaya may naiinggit lang sa kanya?

* * *

Nakakuwentuhan namin si Jackie Rice na kasama sa Ilu­mi­na bilang kapatid ni Rhian Ramos. Natutuwa ito dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA 7. Ina­min nito na hindi na siya magiging pasaway. Gusto niyang patunayan na nag­bago na siya.

“Hindi na ako mahilig sa nightlife gaya nun. I will be more hardworking dahil gusto kong mag-ipon ng pera para makabili ng bahay sa may Commonwealth.”

Nakabili na rin siya ng van mula sa kinikita sa showbiz.

vuukle comment

ANO

DANIEL RAZON

GOOD MORNING KUYA

JACKIE RICE

KUYA DANIEL

MOVIE WRITERS WEL

RHIAN RAMOS

SHY

ZOREN

ZOREN LE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with