Nakakuha ng katapat, atat sa pagpapakasal ni Jolina
Bakit ba ang daming natutuwa na mabalitaang mag-aasawa na si Jolina Magdangal? Is that how well loved she is in showbiz na makaraan ang nauna niyang failed relationship na nagbigay ng maraming kagalit sa kanyang ex-boyfriend, heto siya at may nagmamahal na naman at minamahal din niya?
Lahat ay nagdarasal ng isang masayang buhay may asawa para kay Jolina.
At wala silang nararamdamang takot para sa iyo Jolina. They seem to think that in Mark Escueta ay nakatagpo ka na ng lalaki para sa iyo.
Alam nilang paliligayahin ka nito dahil naging mabait ka namang anak, isang mahusay na alaga ng sining at isang mabait na anak ng Diyos.
* * *
Ngayon ang unang araw ng pagsasahimpapawid ng programang papalit sa Wowowee. Host ang mga ex-Wowowee anchors na sina Pokwang, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, ang matagal ding nag-guest host na si Robin Padilla na may bansag ngayong Pambansang Utol at si Kris Aquino.
Malaking responsibilidad ang iniatang ng network sa balikat ng limang hosts. Kailangang mapataas nila ang programa. Matagal inilagay ng dating host ang programa sa top position sa rating game, their failure to repeat the feat ay magsisilbing isang malaking dagok sa kanilang lahat, lalo na kay Kris na talagang hindi maipagpapatuloy ang kanyang pag-iwas sa mga intriga at gulo ng showbiz kahit nagpasya na itong manahimik na.
Bukod sa kontrobersiya na dulot ng kanyang pakikipaghiwalay sa asawa, eto pa ang panibago dahil ang pinalitan ng kanilang show na Pilipinas Win na Win ay isang napaka-gulo at matagal ding naintrigang programa.
* * *
Mukha namang happy si Ina Raymundo sa kanyang marriage dahil sa kabila ng pangyayaring makakaapat na anak na siya sa kanyang asawang si Brian Poturnak, taglay pa rin niya ang kagandahang naging dahilan para siya maging artista at maituring na isa sa pinaka-sexy nung kapanahunan niya. Marami ngang artista na kapag buntis ay nagtatago pero si Ina lumalabas pa rin sa screen.
Sabi ni Ina, alam ng mga anak niya na sexy actress siya nun. May mga clippings siya na ipinakikita sa kanila, ‘yung daughter nga niya sa sobrang paga-idolize sa kanya, gusto ring mag-artista pero ayaw niya.
Mag-aaral muna ito. Kaya naman nilang mag-asawa na itaguyod sila hanggang sa makatapos ang anak nila.
- Latest