^

PSN Showbiz

Sharon goodbye na rin sa ere!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Isang quote from Arnold Glasgow ang first text ni Kris Aquino pagdating niya mula sa three-week vacation from the States. Sabi ng quote “Live so that your friends can defend you, but never have to. God bless and Happy Friday to us all.”

Ang “wala akong tiyan” naman ang sagot ni Kris sa tsismis na buntis siya sabay pakita sa kan­yang tiyan. Pero marami pang sasaguting tsis­mis si Kris ngayong narito na siya sa bansa, kaya lang, uunahin muna niyang ha­ra­pin ang noon­time show nila ni Robin Padilla na mag­sisi­mula today Satur­day called Pilipinas Win Na Win!

* * *

Nagpapahiram pa rin pala ng talents nila sa TV5 ang ABS-CBN dahil pinaya­gan nilang mag-guest si Car­men Soo sa isang episode ng 5-Star Spe­cial ni JC de Vera. Extended ng ilang ling­go ang drama special ni JC at kailangan ng bagong ma­ka­­kapareha at naisip ng mga taga-TV5 si Car­men na ma­buti’t ipinahiram sa istasyon.

Pagkatapos ng guesting sa 5-Star Special, susubukin daw ng TV5 na hiramin si Carmen para sa gagawin nilang soap at si JC uli ang maka­ka­tambal. Tama kung ganun ang balitang ga­­ga­wa na rin ng soap ang TV5 at isa si JC sa nasa cast.

* * *

Si direk Mark Reyes ang na-interview namin sa presscon ng Ilumina at wish nitong maging po­pular fantasy din ito gaya sa Encantadia. Very now ang setting ng Ilumina at mapapanood sina Rhian Ramos at Jackie Rice na nag-aaway sa mall. May chopper shot din ito at marami silang lo­cation para mas gumanda ang soap.

Puwede raw peg ng Ilumina ay Charmed at Twi­light, but without the vampire. Sa sabing maliit ang cast ng soap, sabi ni direk Mark, may mga papasok pang karakter. Sa pagbabago ng title, sagot nito’y, lumang pakinggan ang Ro­mana Santa at may Mars Ravelo factor pa. Ang Odessa naman, mahirap daw i-direk ang swan. Ha-ha-ha!

Samantala, ibinalita ni direk Mark na pinadalhan sila ni direk Rico Gutierrez ni Atty. Felipe Gozon ng commendation letter para sa Party Pilipinas. Iti­nanggi naman nitong may competition sila ni di­rek Rico na ka-alternate niyang mag-direk ng Par­ty Pilipinas. May gentleman’s agreement din daw si­lang dalawa.

“I can’t run the show alone, I can’t do it alone. Our communication is open, there’s no time for com­petition, I’m so busy. Pareho kami ng rule na no rehearsal, no performance, pero mas strict siya sa akin. As for an episode collaboration, wow! Po­werful show ‘yun kung mangyari.”

Si direk Mark ang director ng PP sa August 8. May concept na siya, pero wala pang maisip na title at gusto niyang i-guest at magsayaw sina Ding­­dong Dantes at Marian Rivera na magka-sunod ang birthday (August 2 si Dingdong at Aug. 12 si Marian) at birthday presentation nila ito. Wish ni direk makapag-rehearse ang dalawa dahil ma­dugo ang dance number nila.

* * *

Talent show ang ipapalit ng ABS-CBN sa mag­sasarang Sharon ni Sharon Cuneta at si Mega­star pa rin ang host. Hindi pa alam kung hanggang kailan na lang ang Sharon, pero ibang staff na ang makakatrabaho ni Mega na ikinalungkot nito.

Maraming plano ang ABS-BN kay Sharon, wait na lang tayo! Tatapusin daw muna ang kanyang Mega Drama concert sa August 7, sa Araneta Coli­seum bago pag-usapan ang mga bago niyang projects.

vuukle comment

ARANETA COLI

ARNOLD GLASGOW

DIREK

FELIPE GOZON

HAPPY FRIDAY

ILUMINA

LEFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with