^

PSN Showbiz

JC hindi nababakante!

RATED A - Aster Amoyo -

Malakas ang buhos ng ulan sa ad­vance 7th birth­day party ni Lorin Gab­riella Gutierrez Bektas (pa­nga­nay sa dalawang anak ng es­tranged couple na sina Ruffa Gutierrez at Yil­maz Bektas) na ginanap sa Wack Wack Golf and Coun­try Club nung na­karaang linggo (July 25) ng hapon pero hindi napigilan ng ulan ang pag­dagsa ng mga bisita na malalapit kay Ruffa at sa pamilya Gutierrez.

Marami ang nag-abang sa pag­da­ting ng bagong guy na nali-link nga­yon kay Ruffa, ang big boss ng Smart­matic na si G. Cesar Flores pero hanggang sa kami ay umalis ay hindi namin ito nasilayan dahil out of the country umano pero namataan namin doon ang isa ring goodlooking guy (but already married), si Comelec Commis­sioner Gregorio Larrazabal na kahuntahan ng dad ni Ruffa na si Eddie Gutierrez.

Du­ma­ting din sa nasabing okasyon si Gov. Cha­­vit Singson, ama ng controversial con­gress­­­man ng Ilocos Sur na si Rep. Ronald Sing­son (na nakakulong ngayon sa Hong Kong dahil sa droga) na agad kinuyog ng media.

Karay-karay naman ni Vina Morales ang kan­yang baby, ganundin ang ibang celebrity pa­rents tulad ng mag-asawang Julius and Tintin Babao na kasama sina Antonia at Antonio, si Donita Rose na kasama ang anak na lalaki, ang buntis sa kanilang third child na si Carla Gue­varra and husband, Bubbles Paraiso na ka­sama ang pamangkin (anak nina Mylene Di­zon at Paolo Paraiso), ang mag-asawang Ton­ton Gutierrez at Glydel Mercado and their daughter, dumating din ang malusog (literally and figuratively) na si Sharmaine Arnaiz with husband and three kids kasama ang lovechild nina Bunny Paras at Mo Twister na si Moira (11). 

Naroon din ang misis ni Sen. Miguel Zubiri na si Aud­rey with their two kids na sina Adriana at Juan­mi (Juan Miguel II), Atty. Annette Gozon-Abrogar, Almira Muhlach at ang 14-year old daughter nila ni Bong Alvarez na si Alyzza, Liezl Martinez and their two daughters ng husband niyang si Albert Mar­tinez, J.C. de Vera, Ehra Mad­rigal, Tuesday Var­gas, Ynna Asistio kasama ang kanyang mga young siblings, Carla Humphries, Phoemela Barranda, Tim Yap at marami pang iba.

Nasa ibang bansa si Richard at si Ray­mond na­man ay naghu-host sa Showbiz Cen­tral kaya nakahabol ito pagkatapos. Si­yempre, naroon ang do­ting grandparents nina Lorin at Venice na sina Ed­die Gutierrez at Annabelle Rama. Du­mating din ang mag­ka­sintahang John Estrada at Pris­cil­la Mei­relles na nakatakdang ikasal sometime in February next year.

Since ka-table namin si JC de Vera, na­iku­­wento nito na masayang-masaya siya ngayon sa kan­yang home studio, ang TV5 dahil sunud-su­nod ang kan­yang pro­jects. Na-fea­ture siya sa TV5 Star dra­ma antho­logy, regular host/perfor­mer siya sa Sun­day show na PO5 at sa ba­gong gag show.

“Mas masaya, mas ex­ci­ting, interesting at chal­lenging lahat ng gina­gawa ko ngayon,” pag­ma­ma­laki ni JC na hindi nababa­kan­te ngayon ng trabaho.

Inamin din ng binata na loveless siya hang­gang ngayon.

* * *

Nakakabigla talaga nung nakaraang linggo ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan dahil agad bumaha ang mga pangunahing lansangan ng Me­tro Manila at kasama na rito ang Makati. 

Mag­kasama kami ni Jojo Gabinete sa Green­belt, Makati nung nakaraang linggo ng hapon. Mula sa Greenbelt ay tumuloy kami ng Ma­kati Medical Center para dalawin ang ating ka­ibigan, ang bu­si­nessman at talent manager na si Wyn­gard Tracy. Sa kasamaang-palad ay hindi ka­mi nakalusot sa malalim na baha sa gilid at harap mismo ng MMC kaya tumuloy muna kami sa birthday party ni Lorin Bektas. Pagkatapos sa party ni Lorin, mag-isa na akong bumalik sa Makati Medical Center para dalawin si Wyngard na sumailalim ng heart bypass operation.

vuukle comment

ALBERT MAR

ALMIRA MUHLACH

ANNABELLE RAMA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BONG ALVAREZ

LEFT

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with