^

PSN Showbiz

CNN hero Efren Peñaflorida makakasama sa paghahanap ng mga bayani

-

MANILA, Philippines - Mula sa masigasig na pagtutulak ng kariton classroom hanggang sa pagiging CNN Hero, ipakikilala ng Ako Mismo bilang bagong co-host ang nagpapatunay na maaaring maging bayani ang bawat Pilipino, si Efren Peñaflorida. Matapos humanga ang buong mundo sa kabayanihan niya, ilalaan ng programa ang episode ngayong Huwebes upang lubos na makilala si Kuya F; ang kanyang nakaraan, pamilya at ang daan tungo sa narating niya.

Makakasama ng 2009 CNN Hero of the Year ang idolo ng kabataan at hard court heartthrob na si Chris Tiu sa paghahatid ng sari-saring kuwento ng pagtutulungan at kabayanihan ng mga sikat at ordinaryong tao, upang maging ehemplo ng makabagong henerasyon.

“Our planet is filled with heroes, young and old, rich and poor, man, woman of different colors shapes and sizes. We are one great tapestry…Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart, and be the hero to the next one in need,” ayon pa kay Kuya F.

Bitbit ang paniniwala sa kahalagahan ng edukasyon, nangarap si Kuya F na baguhin ang buhay ng mga kabataan sa pamamagitan ng paghahatid ng kaalaman gamit ang kariton. Nagbunga ang pangarap at pagkilos - hindi lang sa Cavite kung saan niya itinaguyod ang adbokasiya- kundi pati na rin sa bawat sulok ng mundong naaabot ng mensahe ng kabayanihang hatid niya.

Mula sa kalsada ng Cavite hanggang sa maningning na awards rites sa Kodak Theater sa Hollywood, patunay ang kagustuhan ni Kuya F na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mangarap at matuto, upang maging bagong Ako Mismo backpack journalist na maghahanap ng mga bayani ng modernong panahon.

Samahan sina Chris Tiu at Efren Peñaflorida upang tahakin ang landas ng mga modern-day heroes sa Ako Mismo, tuwing Huwebes, 10:00-10:30 pm sa TV5.

ABS-CBN anchors at reporters nakikipag-chat

Saan ka man narooon at anumang oras mo naisin ay mapapanood mo na ang TV Patrol gamit lamang ang internet.

Pagpatak ng 6:30 ng gabi ay mag-log on na sa http://tvpatrol.abs-cbnnews.com http://tvpatrol.abs-cbnnews.com/ sa inyong computers o laptops para mapanood ng live online ang pinakasariwang balita’t impormasyon na hatid ng nangungunang newscast sa Pilipinas. Kung hindi man umabot sa live airing ay matutunghayan din ang episode replays sa nasabing site.

Aktibo ring nakikipag-diskusyon ang mga Pinoy sa online world sa live chat feature ng micro site kung saan naipaaabot nila ang kanilang saloobin sa mga isyu at opinyon sa iniulat na balita. Sa pamamagitan ng internet, nakahanap din ng paraan ang publiko para makausap ang mga ABS-CBN journalist at ngayon pa lang ay marami na ang humihiling na maka-chat din ang mga respetadong TV Patrol anchors.

Multimedia journalists na talagang matatawag ang mga ABS-CBN anchor at reporters dahil hindi lang sila nag-uulat para sa TV, kundi pati sa kanilang website na abs-cbnNEWS at aktibong nasa Facebook at Twitter upang magbigay ng updates.

Katunayan, libu-libo na sumusunod kina Julius Babao, Karen Davila, Ces Drilon, atbp sa Twitter.

“Sa pamamagitan ng Twitter mas napapalapit ako sa mga sumusuporta sa akin na naging mga kaibigan ko na sa online world. Binibigyan ako nito ng pagkakataon na agarang magbahagi ng impormasyon mapa-balita man o mapa-personal kong buhay,” sabi ni Karen.

Para naman kay Julius, nakakatulong sa kanyang trabaho ang mga social networking sites dahil nagagawa niyang makapanayam ang mga kilalang tao gamit ang mga ito at nakakakuha pa siya ng komento o minsa’y istorya mula mismo sa mga manonood. Nakakatulong din ito para mapalapit ang mga journalists sa publiko.

“Kadalasa’y iniisip ng mga tao na suplado ang mga broadcast journalists pero dahil sa Twitter o Facebook ay nakikita nila na tao rin kami at katulad din ng iba,” sabi ni Julius.

Ang TV Patrol micro site sa internet ay isa lamang sa mga pagbabagong naganap sa nasabing newscast matapos itong muling ilunsad kasabay ng mga bago nitong segments at paggamit ng augmented reality technologies sa pagbabalita na una ng ginamit sa matagumpay na election coverage ng Dos na Halalan 2010.

Para sa buwan ng Hunyo ay nananatili pa ring pinakapinapanood na newscast sa bansa ang TV Patrol sa rating na 32.9% base sa datos ng Kantar Media (dating TNS).

AKO MISMO

CAVITE

CHRIS TIU

EFREN PE

FACEBOOK

HERO OF THE YEAR

HUWEBES

JULIUS BABAO

KUYA F

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with