Regine kayang mag-babu sa showbiz para kay Ogie
Nagpunta ako sa Hong Kong noong July 13 at isang kababayan natin na nagtatrabaho doon ang nagkuwento sa akin tungkol sa pulitiko na dinakip sa international airport.
Binalewala ko ang kuwento ng tsikadorang Pinoy at sinabihan ko siya na wah ko feel ang mga intriga tungkol sa mga pulitiko.
Na-realize ko na si Congressman Ronald Singson ang politician na tinutukoy ng tsikadorang Pinoy nang kumalat na ang balita noong Sabado tungkol sa pagkakadakip niya sa Hong Kong.
Kung sineryoso ko pala ang kuwento ng tsikadorang Pinoy, baka naka-scoop pa ako pero malay ko ba na ang dyowa ni Lovi Poe ang hinuli ng HK police?
* * *
Drug trafficking ang kaso na isinampa laban kay Rep. Singson dahil nakita sa kanyang pag-iingat ang 26.1 grams ng cocaine.
Hoping si Ilocos Sur Governor Chavit Singson na makalalaya ang kanyang anak. Hindi pa niya nakakausap si Ronald mula nang makulong ito pero ikinalungkot ni Papa Chavit ang mga pangyayari.
Bilang ama, susuportahan ni Papa Chavit ang kanyang anak pero hindi niya ito-tolerate ang paggamit o possession ng bawal na gamot.
* * *
Nagtatampo ako sa Professional Artists Manager, Inc. (PAMI) dahil hindi itinuloy noong Sabado ang plano na birthday party para kay Douglas Quijano.
Birthday ni Dougs noong Sabado at ang buong akala ko, kahit wala na siya, tuloy ang birthday celebration niya na gaganapin sa function room ng Imperial Palace Hotel.
Kinausap ko pa noon si Lucy Torres at agree ito sa aking suggestion na magkaroon ng party para kay Dougs ang PAMI at ang kanyang mga alaga.
Ang ending, walang party na naganap dahil may event sa Ormoc ang mag-asawang Lucy at Richard Gomez.
Nagtatampo ako sa PAMI dahil puwede naman na ituloy ang birthday celebration ni Douglas kesehodang hindi available ang kanyang mga talents. Nagtatampo rin ako kay Lucy dahil hindi nila itinuloy ang kanilang balak na birthday celebration para kay Dougs.
* * *
Umamin si Regine Velasquez na nag-audition pala siya noon para sa Miss Saigon pero sinubukan lamang niya.
For fun lang ang audition ni Regine dahil hindi ito sure kung talagang gusto niya na umarte sa stage.
Si Lea Salonga ang napili na gumanap bilang Kim sa Miss Saigon. Walang regrets na naramdaman si Regine dahil tinanggap nito na hindi para sa kanya ang role.
Blessing ang hindi pagkakapili kay Regine dahil kung ito ang nakapasa sa audition, baka iba ang naging takbo ng kanyang career sa music. Maraming baka. Baka hindi siya nagkaroon ng title na Asia’s Songbird. At baka hindi niya nakarelasyon si Ogie Alcasid.
Marami nga pala ang kinilig sa sinabi kahapon ni Regine sa Showbiz Central na willing siya na talikuran ang kanyang career, alang-alang sa pag-ibig.
Can afford na si Regine na magpahinga sa showbiz para harapin ang kanyang personal na kaligayahan dahil maayos na ang buhay ng pamilya niya. Bihira sa mga sikat na celebrities na tulad ni Regine ang magagawa na mag-goodbye sa showbiz dahil sa mhin na kanyang minamahal.
- Latest