^

PSN Showbiz

Luis kuntento nang kaibigan lang si Angel

- Veronica R. Samio -

Maaaring makalungkot ito sa maraming taga­hanga nina Luis Manzano at Angel Locsin, at maging ng ina ng aktor na nagsabing maganda pa rin ang pagtitinginan ng dalawa, na waring umaasam pa rin na magkakabalikan sila, pero mismonng si Luis na ang nag­sa­bing okay na sa kanya ang status nila ng aktres ngayon. No longer dating, only just friends.

Sinabi ng aktor na ayaw na niyang pilitin pa na umangat ito, dahil pareho rin naman silang walang panahon para bigyan ito ng pansin. Lubha silang na­pa­­karaming trabaho at ang pagpa­pabaya sa magan­dang takbo ng kanilang career ay dapat nilang samantalahin. Ang pagka­kaibigan nila ay hindi na mawawala, maaari lamang itong magbago for the better at masaya na sila dito. Kaya kayong nangangarap pa ng langit, maghintay-hintay na lang muna. O baka mas ma­buting tanggapin n’yo na hangga’t maaga pa na mag­kaibigan lang sila which is better than being enemies.

* * *

Marami ang naghintay nung Sabado sa sina­bing pagbabalik umano ng dating host ng Wowowee. Feeling ng maraming viewers na hindi ang ginanap na finals ng It’s Showtime ang nag­tulak sa Eat… Bulaga para mas pagandahin pa at gawing kapana-panabik ang kanila namang programa kundi ang posi­bilidad nga na bumalik ang matagal nang absent na comedian-TV host.

Pero natapos at natapos ang Wo­wowee na wa­­lang balikang nakita. Pero mas marami ang nagka­pera at nanalo ng mahaha­lagang gan­timpala dahil simula pa lamang ng Eat… Bulaga ay namigay na ito ng flat TV.

 Bumalik man o hindi ang dating host ng Dos, tama ang sabi ni Pokwang na kaya naman nilang pa­takbuhin ang noontime show nila, ito ay hangga’t hindi pa nakapagdedesisyon ang network kung ano ang gagawin nila sa programa.

* * *

Ate Shawie (Sharon Cuneta) should not take it against his showbiz friend-senators kung hindi suportahan ang kanyang mister sa bid nitong maging presidente ng senado dahil mayroon silang loyalty sa kinabibilangan nilang partido. Sabi nga ni Da King before sa isa niyang movie, “walang personalan trabaho lang”.

Ang pulitika, tulad din ng showbiz, ay naglalagay sa alanganin sa pagkakaibigan at relasyon ng mara­ming nasa likod nito, the politicians most especially.

Masisisi n’yo ba si Kris Aquino kung mangam­panya siya ng kandidato para sa senate president na makakatulong sa trabaho ni P-NOY na kanyang dear dear brother?

Kaya Shawie, huwag ka ng magalit at I-forgive mo na sina Sen. Bong Revilla, Jr. , Sen. Jinggoy Estrada, at Sen. Tito Sotto.

* * *

Mukhang biglang nagkaroon ng buhay ang Organisasyon ng Pili­pi­nong Mang-aawit o OPM dahil mga aktibong mang-aawit tulad nina Ogie Al­casid, Christian Bautista, Jose Mari Chan, Noel Cabangon, Gary Va­len­­ciano, at marami pang iba ang nagpasyang pamunuan ito at nangako sila ng agad na resulta sa maraming problema na kinakaharap ng industriya ng musika, tulad ng piracy.

Tulad ng nangyari sa kantang Pangako ni Ogie na ni-record at nilagyan ng Korean lyrics.

Tama lang na mga aktibong musikero at mang-aawit ang mga mamuno ng OPM para mabuhay ang organisasyon. Meron silang mga resources, to start with, at madali na silang makakagawa ng isang fund-raising campaign na magagamit para sa OPM.

Ganito rin ang dapat mangyari sa Actor’s Guild o Katipunan ng mga Artista sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), dapat malalaking artista rin ang mamuno at magbigay ng panahon para sa ikauunlad ng mga maliliit na artista at maging ng industriya ng pelikula dahil ang telebisyon ay kasalukuyan pang rumaratsada.

ANGEL LOCSIN

ATE SHAWIE

BONG REVILLA

BULAGA

CHRISTIAN BAUTISTA

DA KING

GARY VA

JINGGOY ESTRADA

JOSE MARI CHAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with