^

PSN Showbiz

Kim nagtangkang magpakamatay?!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Laptop nga ba ang regalo ni Regine Velasquez sa mga nakasama niya sa seryeng Diva? Aba, bi­gatin siya! Iba na talaga ang may pera, naga­ga­wang makapagpaligaya ng marami.

Mami-miss nito ng husto ang taping ng Diva. Alam ko na enjoy siya sa trabaho niya rito. At proud siya sa Diva dahil ibang palabas dito, kantahan kaya masaya sa set. Ako nga nag-guest dito at en­­joy din ako. Oo nga pala Regine, lumabas din ako ng Diva bakit ’di mo ako binigyan ng laptop?

Joke lang.

* * *

Aba, may kasunod agad ang Diva ni Jaya. Kasama na naman siya sa bagong serye ng GMA 7 na Kaya ng Powers. I’m sure comedy na naman ang assignment niya dito. Tila hindi lamang ang pagkanta ni Elizabeth Ramsey ang namana niya kundi ang talent ng ina sa pagpapatawa. ’Yun nga lang unlike her mom na nag-iitsa pa ng sapatos to elicit laughter, sitwasyon ang nakatatawa kay Jaya.

Magandang alternate work ang nakita ni Jaya sa pagiging komedyana. Kung hindi nga naman siya kumakanta, nakakapag-artista siya at hindi lahat nabibigyan ng ganito kagandang opor­tunidad. Pasalamat siya kay Regine na namilit sa kanyang I-try ang acting niya. ’Di ba, Jaya?

* * *

Nalungkot naman ako sa final episode ng Diz Iz It! nung Sabado. Ni hindi nila nagawang makapagpaalam sa maraming manonood nila. O baka naman sinadya nilang hindi magpaalam?

Nanghihinayang ako dahil maganda ang Diz Iz It! Lovable at magagaling ang mga hosts. Abot kamay ng mga manonood. Nakatutuwa nga si Grace Lee, napaka-iyakin, konting kibot, umiiyak. Ganun niya ipinakikita ang kanyang happiness. At maski sa TV nakikita mo ang kanilang closeness, walang competition between Grace and Ehra Madrigal. Parang big brother nila si Bayani Agbayani. Sayang din si Sam YG kagalang-galang siya sa show, unlike sa ibang palabas na ginagawa siyang katatawanan.

Sana hindi pa nga katapusan ’yun ng show, sana mapanood pa silang muli dahil ang Diz Iz It! is one interesting at entertaining show.

* * *

Magiging malaking epekto para kay Kim Chiu kung totoo ngang nagtang­ka siyang magpaka­matay dahil wala na sila ni Gerald Anderson? Ito, matapos ang maraming pronouncements niya na balewala sa kanya ang pagkaka-link nito sa maraming babae, at lalo na ang sinasabing pan­lili­gaw nito ngayon kay Bea Alonzo dahil hindi naman naging sila. Pero bakit nga iba naman ang nakikita sa kanya ngayon.

Hay naku, Kim kesa maglunoy sa kawalang pag-asa dahil lamang sa isang lalaki, thank God for all your blessings. Ang ganda-ganda ng career mo, you’re the most beautiful person in the Philippines. Ma­rami ka ng ac­complishments, ano pa ang haha­napin mo?

Darating din ang lalaki para sa iyo, huwag mo siyang hanapin, hayaan mong siya ang humanap sa iyo.

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

BEA ALONZO

DIZ IZ IT

ELIZABETH RAMSEY

GERALD ANDERSON

GRACE AND EHRA MADRIGAL

JAYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with