^

PSN Showbiz

Ronald Singson nakulong sa HK?!

- SEEN SCENE -

Seen : Ang denial ng kampo ni Congressman Ronald Singson na siya ang Ronald Singson na dinakip at ikinulong sa Hong Kong jail noong July 11 dahil sa drug trafficking. Nag-deny din si Jomari Yllana, ang kaibigan at business partner ni Ronald. Ayaw din magsalita ng kampo nang nababalitang GF ni Ronald na si Lovi Poe.

Scene : Hindi lang si Lovi Poe ang crush ni Rocco Nacino dahil crush din nito si Sheena Halili. Nabuhay uli ang user-friendly label kay Rocco.

Seen : Ang paulit-ulit na paghahagis ng kutsara at tinidor ng talent manager na si Alfie Lorenzo sa presscon ng concert ni Sharon Cuneta habang pinag-uusapan ang “anak” ni Piolo Pascual.

Scene : Handa na si Korina Sanchez na bumalik sa kanyang radio program sa dzMM. Si Pinky Webb ang nag-pinch hit kay Korina bilang co-anchor ni Ted Failon sa Failon at Sanchez. Nakakauya ang mga pagpapa-cute nina Ted at Pinky sa isa’t isa sa radio program nila.

Seen : Malabo nang makalipad si Paulo Avelino sa New York dahil hindi siya nabigyan ng US Visa. Hihintayin na lamang ni Paulo ang pag­babalik sa Pilipinas ng kanyang girlfriend na si LJ Reyes at ng anak nila. Nanganak na si LJ kahapon.

Scene : Magaling na ang sore eyes ni Claudine Barretto. Tuloy ang fans day niya ngayong hapon sa GMA 7.

Seen : Si Efren Peñaflorida ang bagong host ng Ako Mismo ng TV5. Si Efren ang CNN Hero of the Year noong 2009. Si Chris Tiu ang original host ng Ako Mismo.

Scene : Ang nakamamangha na “cat make-up” ng mga performer sa Cats at ang makapanindig-balahibo na pag-awit ni Lea Salonga ng Memory.

AKO MISMO

ALFIE LORENZO

CLAUDINE BARRETTO

CONGRESSMAN RONALD SINGSON

HERO OF THE YEAR

HONG KONG

JOMARI YLLANA

KORINA SANCHEZ

LEA SALONGA

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with