Jean Garcia nagpagalaw na rin ng katawan
Mukha ngang inspirasyon ang ibinibigay kay Lovi Poe ng current boyfriend niya. Napakarami niyang project. In demand siya sa mga indie films na bagaman at hindi nagpapalaki sa ipon niya ay nagbibigay naman ng malaking karangalan sa kanya at mabilis magtulak pataas ng kanyang status bilang artista.
Nakasungkit siya ng best actress sa isang indie film na katatapos lamang niyang gawin at nakasali sa Cinemalaya Film Festival na dinayo ng maraming manonood sa CCP.
Maganda rin ang standing niya sa TV, kasama siya sa Party Pilipinas at mapapanood din sa sitcom na Show Me Da Manny.
Sa kanya, parang hindi totoo ang kasabihang kapag suwerte sa career ay malas sa pag-ibig dahil going strong and smoothly ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na bukod sa isang batang pulitiko ay isa pa ring matagumpay na concert producer. Ito ang isa sa nag-prodyus na concert dito ni Usher at balak nilang dalhin dito sa susunod si Justin Bebier. Siya si Rep. Ronald Singson.
***
Eh ano naman kung sumailalim sa isang medical procedure si Jean Garcia para mapanatili ang kanyang youthful looks. Kailangan naman ito sa trabaho niya at hindi lamang isang whim. Besides, she owes it to her many followers na magmukha pa ring artista at hindi losyang na nanay ng isa pa ring kabataang artista, lalo’t kinikilala siyang isang aktres at hindi basta-basta artista.
Sa panahong ito ng makabagong teknolohiya, kasalanan na lamang ng isang babae kung magmukhang pangit siya, lalo’t may pera. Ang dami-daming paraan para mapanatiling maganda ang mga sarili, bakit magtitiis na maging pangit at huli sa panahon.
Aprub din ako sa ginawang pag-undergo ni Charice Pempengco ng medical procedure para mas gumanda pa siya para sa gagawin niyang paglabas sa Glee. Magaling na siyang talent pero sa ginawa niya, madaragdagan pa ang kanyang confidence. Magandang kumbinasyon ‘yung talent, ganda at confidence para ma-conquer mo ang mundo, di ba?
***
Dapat makipag-ayos si Cesar Montano sa kanyang manager na si Norma Japitana dahil kung hindi baka masira ang intensiyon niyang magkatrabaho agad kaya siya lumipat sa Kapuso network na ito ang nakipag-deal kasama ang kanyang bagong business manager.
Kapag nagkataon at napatunayang may merit ang reklamo nito (manager niya), mababalam ang pagti-taping niya at magkakaroon pa siya ng problema sa GMA. Makipag-usap na lamang siya at siguro naman maiintindihan ng manager niya ang kanyang problema.
Sayang naman ang mahigit na 20 taong pinagsamahan nila bagaman at ang mga ganito katagal na samahan ang isa sa pinakamahirap na ayusin kapag nagkaproblema.
***
Mabuti naman at ibinalik sa Unang Hirit si Regine Tolentino. Isang fixture na ang magaling na dance choreographer sa pang-umagang palabas ng GMA kaya nang mawala ito ay marami ang naghanap at naka-miss sa kanya.
Okay din sanang ka-UH si Jolina Magdangal, bakit siya tinanggal?
- Latest