^

PSN Showbiz

Young actor 'my wife' na ang tawag sa GF na young actress

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tsutsugihin na ang Moomoo and Me ng TV5 kahit maganda ang feedback at maraming nagka­kagusto. Hindi budget ang problema dahil marami nito si Mr. Manny V. Pangilinan at wala ring prob­lema sa cast kahit lumabas na matagal nang hiwalay sina Yayo Aguila at William Martinez na kasama sa cast.

Ang problema, pinapatigil na ng ABS-CBN si John Prats sa paglabas sa nasabing Kapa­tid show at nire-recall na ng kanyang home studio. Ang ginamit na term ng aming source ay “iwini­draw” na raw si John, kaya tatapusin na lang ang show.

Naniniwala yata ang mga nasa likod ng Mo­o­moo and Me na mag-iiba ang anyo ng show kung ku­kuha sila nang ipapalit kay John dahil nasa ori­ginal cast ang young actor. Kaya sa halip na ipag­patuloy ang show with a different actor sa role ni John, ititigil na lang ang horror-comedy show ng TV5.

***

Natawa kami sa sinabi ni Dennis Trillo na na­ka­ka­­pagod ang role ng isang mayaman na gina­gampanan niya sa Endless Love dahil kailangang lagi siyang nakaporma. Kaya bukod sa pinu-provide na damit sa kanya ng staff, kinuha niyang stylist si Odie Simpao para mag-asikaso sa mga isusuot niya sa soap para hindi siya maubusan.

Bukod sa pananamit, pang-mayaman din ang sports ni Dennis dito at sa eksenang naggu-golf sila ni Dingdong Dantes, nagpaturo siya sa caddie na siya ring nag-guide sa kanya. Tuwang-tuwa ito na perfect ang shot ni Direk Mac Ale­jandre considering na parehong hindi sila maru­nong mag-golf ni Dingdong.

Gumaganap na ina ni Dennis sa soap si Kuh Ledesma at honored siyang makasama ito dahil bihirang umarte ang singer. Magaling umarte at malakas manampal si Kuh sabi ni Dennis.

Lumabas palang totoong nagselos kay Rocco Na­cino si Dennis na nakasama nila ni Jennylyn Mer­­cado sa natapos na Gumapang Ka sa Lusak. Para hindi siya magselos, hindi na lang niya pinanood ang kissing scene ng dalawa. “Hindi kasi makakatulong,” sabi nito.

Kabaligtaran sa unang sinabing malinaw sa kanila na pagdating sa trabaho, walang selosan sa kanila.

Samantala, okay kay Dennis na magsama-sama sila nina Jennylyn at Patrick Garcia sa isang project, trabaho ito at hindi problema sa kanila. Ano pa ang hinihintay ng GMA 7? Igawa na ng soap ang tatlo at tiyak na papatok sa viewers.

***

Feeling wife ang tall and pretty young star na ito dahil sa “my wife” na tawag sa kanya ng BF niyang young actor. Hindi lang sa harap ng ka­nilang mga kaibigan tinatawag na “my wife” ng young actor ang GF dahil shoutout din niya ito sa Facebook account niya at pino-post sa kanyang Twitter account.

Ganun ka-proud ang young actor sa kanyang young actress GF at kung pagbabasehan ang terms of endearment ng mga bagets, may kaser­yosohan ang kanilang relasyon dahil hindi naman yata lahat ng naging GF ng young actor, ganun niya tinawag.

In fact, ang immediate ex-GF nito, tinawag pang aparador dahil tumaba at ang masakit, ikinuwento sa present GF kung ano ang tawag niya sa ex. Parang tuwang-tuwa pa nga ang present GF ng young actor na sinisiraan sa kanya ng nobyo ang ex.

Sana lang ’wag mangyari sa kanya ang ginawa ng BF sa dating nobya dahil tiyak na hindi niya magugustuhan.

ACTOR

DAHIL

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

ENDLESS LOVE

GUMAPANG KA

NIYA

SHY

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with