Dra. Belo ipinag-shopping ni Hayden ng mamahaling damit
TRUE : Hindi itinatanggi ni Dr. Vicki Belo na magkasama sila ni Dr. Hayden Kho, Jr. na nag-shopping sa Eastwood nung nakaraang Sabado.
Pero hindi ang doktora ang nag-shopping para kay Hayden kundi mismong ang huli raw ang bumili ng isang mamahaling damit at iniregalo ito sa kanya. Kaya sobrang touched si Dr. Belo sa ipinapakitang sweetness ni Hayden sa kanya.
Pagkatapos nun ay magkasama silang nanood ng concert ni Charice. Ninang kasi ni Charice si Dr. Belo pero Ninong din ang tawag nito kay Hayden.
Consistent pa rin ang mga pahayag ni Dr. Belo na special friendship ang meron sila ni Hayden at hindi sila lovers. Kahit magkaroon pa ng ibang girlfriend si Hayden, susuportahan pa rin daw niya ito at mananatiling magkaibigan pa rin sila.
Malapit nang isalang si Hayden sa witness stand sa kaso nito kay Katrina Halili at huwag na raw pumunta sa hearing si Dr. Belo dahil pawang katotohanan ang sasabihin nito at baka masaktan na naman ang doktora.
TANONG : Maniniwala ba kayo na ang huling pakikipag-inuman ni Baron Geisler ay nung may nangyaring gulo sa kanila ni Julia Clarete?
Nangako na naman kasi si Baron nang manalo siyang best actor sa 6th Cinemalaya Independent Film Festival na this time magbabago na raw talaga siya.
Malaking tulong sa pagbabago niya ang mga ibinigay na trabaho ng ABS-CBN. Sa rami ng mga ginagawa niya, wala na siyang panahong makipag-inuman. Ang huling pakikipag-inuman nito na nalasing siya ay nung may ginawa nga siyang hindi maganda kay Julia.
Sana mabigyan siyang muli ng isang pagkakataon dahil sabi nga ni Direk Mark Meily sa kanya, siya na si “Baron Bagong Buhay.” Bale siya na ang counterpart ni Rustom Padilla na naging BB Gandanghari.
So, gaya ni BB, sasabihin din kaya niyang Baron Geisler is dead, here comes Baron Bagong Buhay?
TOTOO KAYANG meron nang nag-back out sa celebrity edition ng Survivor Philippines?
Parang gusto naming paniwalaang true ito dahil nakita na namin dito ang ang isang magandang baguhang young star na napabalitang nag-back out.
Nung nakaraang weekend lang namin nakita ang celebrity na pakalat-kalat sa Republiq sa The Fort. Pero hindi ito nagsalita tungkol sa pagsali niya sa Survivor Philippines.
Ang kuwentong nakarating sa amin, dalawang araw pa lang sa isla ang baguhang young actress ay umatras na ito at gusto na niyang umuwi. Feeling niya, hindi siya makaka-survive sa hirap na pagdadaanan sa nasabing isla kaya nakiusap na lang itong umuwi.
Iritang-irita nga ang isa pang young actress dahil gustung-gusto nitong sumali pero hindi siya ang isinama dahil mas pinili pa itong umatras na baguhang young star.
TSIKA LANG : Kabuwanan na ni LJ Reyes at hirap na ito sa pagkikilos dahil sa laki ng tiyan.
Sa New York ito manganganak kaya wala ito sa awards night ng Cinemalaya nang manalo siyang best supporting actress para sa pelikulang The Leaving.
Nag-post na lang ito sa kanyang Twitter account ng kanyang acceptance speech nang malaman niyang wagi siya at ito ang kauna-unahan niyang acting award.
Tweet ni LJ: “Just woke up to a very honoring news! Thank you!! Iba yata talaga suwerte ng buntis! I feel heaven! Thank you Lord! Thanks The Leaving, Ian and Ate Kat! This is so overwhelming! Nakakaiyak naman!”
As of now, wala pang katiyakan kung makakasunod si Paulo Avelino sa Amerika. Dalawang beses na kasi siyang na-deny sa US Embassy pero humihingi na ito ng tulong na mabigyan siya kaya umaasa pa ring makapunta siya ng US para masamahan naman si LJ sa panganganak nito.
- Latest