^

PSN Showbiz

Pasaring ni Sunshine Cruz: 'Someone's not telling the truth & I know the truth'

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hanggang this week ang ibinigay na schedule ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) para makipag-usap si Cesar Montano sa kanila. Ang aktor na ang pinamili kung anong araw siya libreng maki­pagkita sa PAMI dahil MWF ang taping nito ng tele­serye niya sa GMA 7 at bukas may meeting ang PAMI.

Nabasa namin ang tweet ni Sunshine Cruz at matutuwa ang writer-talent manager na si Shirley Pizarro dahil obviously patungkol ito sa kanya.

Sabi ni Sunshine: “I hope everything will be alright & fixed. No need 2 bad­mouth esp when that person only helped.”

Kahapon, heto pa ang sunud-sunod na Twitter post: “Is it right to ruin someone who only wants to provide for his family?

“Be fair!!! Someone’s not telling the truth & I know the truth.

“This is what I call super TOXIC.

“Some really can’t just be happy for a per­son who succeeds . They try their very best to pull a person down. Sad but true.”

At parang alam namin kung para kanino ang mga messages ni Sunshine.

***

Ang mas gumagandang takbo ng istorya ng End­less Love ang birthday gift nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang loyal fans, lalo’t mag­kikita na ang karakter nila. Magkasunod na magbi-birthday ang dalawa at dahil wala silang pelikula at birthday special, ang nabanggit na soap na lang ang naisip nilang iregalo sa mga sumusubaybay sa kanila.

Sa Hong Kong Disneyland gusto ni Marian na mag-celebrate ng birthday at nag-agree si Dingdong at tiniyak ng aktres na hindi masisira ang taping schedule nila kung sila’y papayagan.

Sa Aug. 2 ang birthday ni Dingdong at Aug. 12 naman si Marian. Parehong may number 2 ang birthday nila ng BF ’no? Si Dingdong, bukod sa HK vacation, may naisip na project on his birthday. Kung matutuloy, makakasama niya ang mga youth volunteers na nakatulong sa kampanya ni P-Noy. Hindi pa lang sinabi ng aktor dahil hindi pa final.

***

Sabi ni Malou Choa-Fagar, nadagdagan ng one day ang taping ni Maricel Soriano sa Pilyang Kerubin at ang three days ay naging four days, kaya extended din for sure ang labas niya sa soap at baka maging two weeks ang labas ng Diamond Star.

Ang husay ni Maricel sa role ni Regina, nag-iipon ito ng pera para makuha ang ibinentang anak at ang story ng karakter niya ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang offer na mag-guest sa Pilyang Kerubin.

vuukle comment

BIRTHDAY

CESAR MONTANO

DIAMOND STAR

DINGDONG DANTES

MALOU CHOA-FAGAR

MARIAN RIVERA

MARICEL SORIANO

PILYANG KERUBIN

PROFESSIONAL ARTISTS MANAGERS

SA AUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with