Yayo malaki ang ipinagbago
Tuloy ang laban ni Manny Pacquiao sa Nov. 13 pero hindi sure kung si Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang katunggali.
Basta ang sabi ng source ko, siguradong may laban si Manny sa November at ito ang paghahandaan ng Pambansang Kamao sa mga susunod na buwan.
Nag-iinarte kasi si Mayweather, Jr. na nag-aakala yata na hahabulin siya ng kampo ni Manny. Buhkit? Siya lang ba ang boksingero sa buong mundo?
***
Malapit na akong maniwala na si Cesar Flores ng Smartmatic ang nagpapaganda ngayon kay Ruffa Gutierrez.
Ang ganda-ganda kahapon ni Ruffa sa Paparazzi. Blooming na blooming siya at kumikislap ang kanyang mga mata kapag nababanggit ang name ni Cesar.
NFF o new found friend ang tawag ni Ruffa kay Cesar. Wala sa Pilipinas si Cesar dahil nagpunta ito sa Europe at hulaan ninyo kung sino ang source ng balita? Si Annabelle Rama na alam din ang schedule ni Cesar. Boto kaya si Bisaya sa binatang Venezuelan na nali-link sa kanyang anak?
***
Naintriga ako sa sinabi ni William Martinez na malaki ang ipinagbago ni Yayo Aguila mula nang pumasok ito sa Pinoy Big Brother House.
Mukhang malalim ang ibig sabihin ni William kaya curious ang mga tao. Type nilang malaman ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina William at Yayo na tumagal din pala ng 27 years.
Halata sa mukha ni William ang lungkot, lalo na nang sabihin niya na si Yayo ang umalis sa kanilang bahay at nakatira sa kanya ang lahat ng mga anak nila.
Walang ipinagkaiba ang paghihiwalay nina Yayo at William sa hiwalayan noon nina Ramon “Monching” Christopher at Lotlot de Leon. Wala tayong nabalitaan na may third party sa hiwalayan nila. Basta isang umaga, nagising na lang si Lotlot na hindi na niya type na makisama kay Monching. Ganoon din ang nangyari sa relasyon nina William at Yayo.
***
Binayaran pala ni Lani Misalucha ang mga tao na nag-invest noon sa networking atsutsutsu na nagpahirap sa kanila ng kanyang asawa.
At least, walang guilt na nararamdaman si Lani dahil taas-noo niya na masasabi na wala silang inagrabyadong tao.
Aral sa lahat ang nangyari kay Lani at sa ibang mga artista na naging biktima ng pyramid scam. Huwag na huwag kayong papasok sa isang negosyo na madali ang datung dahil nakakatakot ang magiging kapalit nito. Matuto kayo sa mga karanasan ng mga biktima ng networking scam.
***
Nabuhay uli ang isyu tungkol sa pagpapakasal nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa dahil sa interbyu kay Dina Bonnevie ng Paparazzi.
Kinumpirma ni Dina ang balak nina Oyo at Kristine na magpakasal pero hindi siya nagbigay ng detalye dahil baka pagalitan na naman siya ng kanyang anak.
Nag-react daw si Oyo noon dahil sa pagsasalita ni Dina tungkol sa wedding plans nila ng kanyang girlfriend.
- Latest