'Walang garantiya ang buhay'- Piolo
MANILA, Philippines- Isang panata para sa kinabukasan ang binitawan ni Piolo Pascual sa kanyang bagong endorsement deal. Kasama ang Sun Life Financial Philippines (SLFP), si Pioloo ang pinakabagong advocate ng It’s Time - ang unang financial literacy advocacy para sa mga Pilipino.
Kasabay nito ang TVC na pinagbibidahan ng aktor, kung saan isang malagim na aksidente ang muntik nang mangyari habang tinatahak ang makasaysayang Jones Bridge sa Binondo. Bilang pagtutulad sa totoong buhay, pinakita nito ang panganib at pagkabigo ng pagkakataon, na walang pinipiling estado o edad.
“Walang garantiya ang buhay. Kaya dapat lagi nating pinaghahandaan at pinoprotektahan ang ating mga pangarap,” lahad ni Piolo.
Para sa Sun Life, ang bagong TVC ay naka-ankla sa makulay at mahabang kasaysayan ng kompanya. Mula 1951 hanggang 1981, ang operasyon nito ay itinahan sa Singson Building sa Binondo, Maynila.
Ito’y matatagpuan sa paanan ng Jones Bridge, at ito ay nakunan din sa pagtakbo ni Piolo. Sa saliw ng post-War at Martial Law, pinagpatuloy ng Sun Life ang kanilang pangako ng magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.
“Pinagdiriwang ng Sun Life ang 115 taon nito sa Pilipinas, at ang TVC kasama si Piolo ay pagpaparangal sa aming maningning na nakaraan,” paliwanag ni SLFP president at chief executive officer Riza Mantaring.
Para kay Piolo, ang layunin ng It’s Time ay kapareho rin ng kanyang personal na paniniwala.
Pinagdiriwang din ng It’s Time ang unang taon nito simula ng pagkakataguyod nung July 2009.
Sinasamahan ni Piolo sina Pia Magalona, Bam Aquino, James and Baby James Yap sa hanay ng mga advocates.
- Latest