Robin at Mariel huli, nagso-solong nanood ng sine
Akala ko, exceptional na si TJ Trinidad dahil bukod sa magaling siyang aktor ay kumakanta rin siya’t naggigitara. Pero mas humanga pa ako sa kanya nang malaman ko na nagprodyus siya ng isang indie film na siya ang artista at siya rin ang sumulat at nagdirek. Wala ba siyang hindi alam gawin?
Para gumawa ka ng isang movie, kahit sabihin mo mang indie na ikaw na ang artista at ikaw pa rin ang nagdirek ay isa nang mahirap na gawain. Pero kinaya ito ng isang hindi nag-aral ng filmmaking at ang tanging qualification sa kanyang mga bagong trabaho ay ang kanyang pagiging isang artista. Sa puntong ito pa lamang ay magkakaroon ka na ng interes na panoorin ang kanyang produkto para lamang malaman kung may kinabukasan siya bilang isang direktor at writer.
* * *
Nanood ang mga bruhang sekretarya ko ng sine sa Rockwell at gulat na gulat sila dahil nakasabay daw nila sa panonood sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Hindi raw sila nagpakita sa aktor para hindi ito mailang. Para sa kanila, kumpirmasyon ‘yun ng matagal nang natsitsismis na relasyon ng dalawa na pareho nilang itinatanggi. Dahil kilala nila si Binoe at ang pagiging masuyo at maginoo nito sa kanyamg mga nililigawan, kung kaya hindi na sila nagtataka kung bakit tuluyan na raw kinalimutan ng magandang host ng Wowowee ang kanyang ex.
Pero sabi ko naman, baka it was just a friendly date eh ayaw nilang maniwala dahil daw walang kasama ang dalawa.
* * *
Kung kailan matagal na silang nagsasama at saka pa natuklasan nina William Martinez at Yayo Aguila na mas mabuti silang maging magkaibigan na lamang. Hindi ko kasi matanggap na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang dating nagmamahalan at pagkatapos ay nagpasyang maghiwalay. Puwede siguro sa nang-iwan pero hindi sa iniwanan. Meron at meron itong sakit na mararamdaman. At paano mo maituturing na kaibigan ang isang nanakit sa iyo? Para namang sa pelikula lang ito nagaganap.
I know puwedeng maging cordial sa isa’t isa sina William at Yayo pero ang maging magkaibigan pa sila, hindi ako sigurado. Civil, oo. At ano kaya ang say dito ng mga anak nila?
This I’d like to know dahil parang lihis na ito sa normal na takbo ng buhay. Pero baka naman puwede nga, titingnan ko na lamang kung tatagal din ng tulad ng kanilang marriage ang kanilang friendship.
* * *
Ang suwerte naman ng mga Bikolano dahil isang linggong mananatili sa kanilang lalawigan ang sikat na aktor na si Leonardo DiCaprio. Natatandaan n’yo pa ba ang aktor na ito na gumawa ng pangalan sa pelikulang Titanic? Sumikat siya ng husto sa nasabing pelikula pero hindi na ito nasundan pa ng mahihilab ding movies. Parang ang lahat ng mga sumunod niyang ginawa ay pumapangalawa lamang sa Titanic, unlike his partner in the said film na si Kate Winslett na nagsisimula nang manalo ng mga awards sa kanyang akting.
Okay pa rin naman si DiCaprio, kinasasabikan pa rin siya at sana mabiyayaan ang mga Manilenyo rin ng kanyang presence.
- Latest