Anak ng singer na nasagasaan, namatay na
Sumakabilang-buhay noong Biyernes ang anak ni Malu Barry na si Charles Baring. Matagal ng comatose si Charles dahil sa aksidente na nangyari nang magbakasyon siya sa Cebu noong May 2010.
Nasagasaan si Charles ng sasakyan at hindi na siya gumaling. Kabilang ang staff ng Wish Ko Lang sa mga tumulong sa mag-inang Malu at Charles.
Balak sana ng Wish Ko Lang na ilipad ng Maynila si Charles para makapiling nito ang pamilya pero binawian na nga siya ng buhay noong Biyernes.
Nakikiramay ako kay Malu at sa mga naulila ng kanyang 27-year old son. Baring talaga ang apelyido ni Malu na naging paboritong singer noon ng yumaong direktor na si Lino Brocka. Natatandaan ko pa na galing noon si Lino sa show ni Malu sa Spindle, Quezon City nang maaksidente siya.
* * *
Extended pala ang 5Star Drama Specials Presents: JC De Vera. Ang management ng TV5 ang nagdesisyon na dagdagan ang mga episode ng drama anthology na pinagbibidahan ni JC.
Natuwa ang management ng Kapatid network dahil maganda ang feedback sa mga episode na tinampukan ni JC.
Agree ang management na puwedeng gawin na teleserye ang Johnny Salamangkero. Magician na bampira ang role ni JC sa Johnny Salamangkero. Napa-smile si JC nang marinig nito na pang-teleserye ang Johnny Salamangkero dahil sa tingin niya, masyadong dark ang episode.
* * *
Ngayong hapon ang pilot telecast ng Lovebug Presents: Exchange of Hearts. Bida sa bagong episode ng Lovebug sina Steven Silva, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Sarah Lahbati na mas kilala bilang Final Four ng Starstruck V.
Excited na excited ang apat dahil sila ang mga bida sa Exchange of Hearts. Knowing them, tiyak na nakatutok sila sa TV ngayong hapon dahil ayaw nilang ma-miss ang kanilang mga eksena na kinunan sa Camiguin.
Ang mataas na rating ng Exchange of Hearts ang dasal ng apat dahil kung bongga ang rating ng kanilang appearance sa Lovebug, siguradong masusundan ang mga project nila sa Kapuso network.
* * *
Bukas ng gabi ang red carpet premiere ng Hating Kapatid sa SM Megamall Cinema 10.
Nag-usap-usap na ang fans nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos na pupunta sila sa SM Megamall bilang suporta sa coming soon movie ng kanilang mga idol.
Hindi palalampasin ng mga tagahanga ni Juday ang Hating Kapatid dahil alam nila na matatagalan bago muling lumabas sa pelikula ang kanilang idol. Ang isisilang na sanggol ang number one sa agenda ni Juday at kung gagawa man siya ng pelikula, malamang na next year na dahil priority nga niya ang pag-aasikaso sa baby boy nila ni Ryan Agoncillo.
* * *
Sinabihan na ako sa emergency meeting ng PAMI sa Tuesday. Invited ako sa mga presscon sa Martes pero dededmahin ko muna dahil nakakundisyon na ang isip ko na dadalo ako sa emergency meeting ng PAMI.
Malaki na ang isyu sa pagitan ni Cesar Montano at ng kanyang manager na si Norma Japitana. Kasali na naman ang name ko sa isyu dahil kasama ni Cesar sa teleserye niya sa GMA 7 ang aking talent na si Christopher de Leon. Saka ko na ikukuwento sa inyo kung bakit nadadamay kami ni Boyet, itsurang wala kaming direktang kinalaman sa problema nina Cesar at Mama Norma.
- Latest