Beauty & Butter para sa mga bagets
MANILA, Philippines - Dahil bagets ang negosyanteng si Mikael Coyuito, pang-bagets din ang naisipan niyang itayong negosyo — ang Beauty & Butter Nail, Face & Art.
Isang one-stop shop para sa pag-aalaga sa kagandahan ng mga kabataan ang Beauty & Butter sa Megamall. Pero pati ang mga young at heart ay dumarayo na rin sa puwesto na ubod ng cute, funky, at cool. Ito ang original beautification place sa Metro Manila!
“We wanted to give the young nowadays a place to relax and call their own,” rason ng young entrepreneur.
Fresh graduate si Mikael pero sumabak agad sa negosyo na alam niyang kakagatin ng marami dahil siya mismo ay mahilig na busisiin ang mukha, kuko, at kahit ang pag-alis sa unwanted hair. Binigyan niya ng mga unique na tawag ang kanyang mga serbisyo para mas maiba. Halimbawa, ang acne-removal facial ay tinawag niyang Bye-Bye Blemish.
“Gusto namin na ang Beauty & Bar ay maging isang lugar where the young would belong, somewhere that speaks their language and understands their lifestyles,” sabi ni Mikael.
Pero ang nakakatuwa, all ages ang bumibisita sa outlet simula nang magbukas ito halos dalawang buwan lang ang nakakaraan.
“It just goes to show that youth isn’t limited to age,” patunay ng businessman. “The young at heart enjoy themselves so much here in Beauty & Butter.”
Subukan ang magpa-facial at pumili sa mga produktong sabon, cream, at toner; magpa-threading at waxing sa kahit anong parte ng katawan; at mag-hand and foot spa kasama ang paraffin wax o masahe para todo ang relaxation. At higit sa lahat, subukan ang ipinagmamalaking nail art services ng pinakabagong beauty outlet na pabor sa self-expression at individuality!
Bisitahin ang Facebook account ng Beauty & Butter at website na www.beautyandbutter.com para sa iba pang detalye.
- Latest