Album ni Marvin, dream come true
MANILA, Philippines - Ang bagong self-titled album sa Viva Records ni Marvin Ong ay isang dream come true para sa batang talented singer na nagsimula sa teatro.
Mula nang maging aktibo sa eskuwelahan si Marvin noong elementary student pa lang siya, naging goal na niya ang magkaroon ng sariling album. Sa edad na siyam, naging aktibo na siya sa mga campus musicals.
Halos hindi pa teenager, nakapag-perform na si Marvin sa mga concerts dito sa Pilipinas at sa abroad. Mistulang singing ambassador, nairepresenta na niya ng ilang beses ang bansa sa mga international music festivals.
Tumigil lamang si Marvin panandalian sa music scene nang mag-college sa Ateneo. Pero agad na bumalik sa eksena pagka-graduate sa communication arts sa kauna-unahang musical role sa Sweeney Todd ng Repertory Philippines. Nagkamit dito si Marvin ng tropeo para sa best featured male actor in a musical mula sa Philstage-Gawad Buhay.
Nasundan pa ito ng Si Juan Tamad, Ang Diablo at ang Limang Milyong Boto ng PETA. At habang tinatapos niya ang ilang rehearsals and performances sa stage play, binubuo naman niya ang matagal nang pinapangarap na debut album.
Sa solo album niya inilabas ang pagiging songwriter din. Dalawa sa mga piling-piling kanta na nakapaloob ay likha ni Marvin, ang Captivated at It Doesn’t Get Easier na ang musical director ay mula pa sa Hong Kong Disneyland, si Ronnie Fortich.
Ang mga executive producers sa album ay sina Vic del Rosario at Wilbert Ong pero producer at vocal coach din si Eugene Villaluz.
Ang iba pang mga kanta ay Panaginip (carrier single), Hard to Say I’m Sorry, Maybe, Have I Told You Lately, Harana, Let’s Hang On, Can’t Help Falling in Love, at Worst That Could Happen na nang isalin na sa Filipino ni Hajji Alejandro ay naging hit song niya, ang Panakip Butas.
“Marvin has a different attack to every song. Each number sounds so clearly different from each other, due to Marvin’s heartfelt approaches,” sabi ni Viva big boss Vic del Rosario nang marinig ang buong album.
- Latest