^

PSN Showbiz

Big bands nakipagpasiklaban sa Muziklaban

-

MANILA, Philippines - Libu-libong rakista ang nakibahagi kamakailan sa pagbubukas ng ika-12 taon ng pinaka-astig, pina­ka-maingay, pinaka-sikat, at pinaka-malaking pa­timpalak sa larangan ng pagtugtog ng rock: Ang Red Horse Beer Muziklaban. 

Ang malaking concert na ginanap sa Metrowalk Complex sa Pasig ay nagsilbi ring live audition ng ilan sa mga nagbabakasakaling maging hari ng rock and roll sa taong ito.    

Ang patimpalak ay pinangunahan ng mga bigating banda gaya ng Slapshock, Greyhoundz, Pupil, Kjwan, Wilabaliw, Radioactive Sago Pro­ject, Typecast, the Chongkeys, Brownman Revival, at iba pa. Ang mga dating nagwagi sa Mu­zik­­laban gaya ng Mayonnaise, Hard­boile­deggz, Gayuma, Even, at Hatankaru, ay nag­pasiklaban din sa rakrakan.

Mahigit isang dekada na ang Red Horse Beer Muziklaban. Ngayon hindi lamang ito para sa mga rakista at musikero. Mayroon na ring labanan ng mga magagaling sa tattoo, extreme sports, at inde­pendent filmmaking.

Walang iba kundi ang bigating tattoo artist na si Ricky Sta. Ana at extreme biker na si Armand Mariano ang personal na nagsalita at nagbigay ng inspirasyon ang mga kabataang nagnanais pumasok sa kani-kanilang industriya. Ipinalabas din ang Kwentong Gidiyap, ang nanalong best indie film noong isang taon.  

Bago matapos ang pagdiriwang, hinamon ng beer sponsor ang lahat ng mga rakista, tattoo artist, extreme athletes, at mga direktor na makibahagi sa 2010 Red Horse Beer Muziklaban at ipakita ang kanilang galing.

Upang makasali sa Red Horse Beer Muziklaban Rock Challenge, makipag-ugnayan lamang kay Rona Beano (0916-644-6778). Para sa mga interesado sa Extreme Sports, maaring sumali sa labanan sa Cebu (Gaisano Mall, August 28), at Sta. Lucia East, Rizal (November 27). 

Para sa mga gustong sumali sa Tattoo Body Art, tandaan ang sumusunod na petsa at lugar — Beside, Makati (July 24); Cavite (Aug. 28); Willis Bar, Olongapo; Ji Lounge, La Union (Oct. 23); Padi’s Point, Baguio (Nov. 20); and, Paradiso Grill, Boracay, Aklan (Dec. 18).  

Sa mga gusto namang sumali sa Indie Film­mak­ing, mag-log on lamang sa www. redhorse­beer.com. Maki­bahagi na sa lumalaking samahan, samahang wa­lang kapantay, at samahang astig!

ARMAND MARIANO

BEER

BROWNMAN REVIVAL

EXTREME SPORTS

GAISANO MALL

INDIE FILM

RED HORSE BEER MUZIKLABAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with