Jon nangako rin ng pagbabago
MANILA, Philippines - Kung si P-Noy ay nangangako ng pagbabago, ganun din si Jon Santos, ’yun nga lang pagbabago ng costume ang sinasabi niya.
Ang bonggang star ng Kuring, Gluring, Erap and Dioning Election Is Nearing: For Voter or For Worse ay nagbabalik sa kanyang post-election show.
Pinamagatang 101 Jonjemons: Da Pinoy Fower List, lagot sa komedyante ang 101 Pinoy icons, celebrities, and politicians dahil tiyak na hindi sila patatawarin.
Pangako ni Jon na hitik ang show niya ng mga usapang may kinalaman sa mga kinababaliwan ng mga Pinoy tulad ng Facebook at politika. Isama pa ang oil spill at sinkhole!
Sinu-sino ang mapapasama sa Fower List ni Jon? For sure kasama sina Krissie Anino at Nyoy Nyoy.
Ngunit hindi pahuhuli ang mga veteran icons na sina Gloring Macatagal Arroyo, Manny Sapakyaw, at Ate Vi.
May mga bagong celebrities din na makikieksena: Jajejijomar Binay, at Charize Papakwa, ang unang Pinay na inaanak nina Afro Winfree at Ellen Degenerous. Aba, sasama pa ang buong gang ng OPM Jukebox Glee!
Walang patid na sorpresa at katatawanan ang hatid ni Jon o Jonjemon sa July 30 and 31; Aug. 20 and 21 sa Teatrino sa Greenhills, Promenade, San Juan.
Ang tiket (P1,500, orchestra at P1,200, balcony) ay mabibili sa lahat ng Ticketworld outlets. For inquiries, tumawag sa 891-9999.
- Latest