^

PSN Showbiz

Nanay ng aktres mukhang datung!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nauna lang sa oras ang contract signing ni Heart Evangelista sa GMA 7 kahapon, 2:00 p.m. Si­nun­dan siya ni Cesar Montano, 3:00 p.m.

Si Tita Annabelle Rama pa rin ang nag-rep­resent as manager ni Heart sa kabila ng issue na nagka-problema dati sila.

Ayon sa isang source, meron pang natitirang kon­trata si Heart kay Tita Annabelle.

* * *

Mukhang datung pala ang madir ng isang aktres.

Ito raw ang rason kung bakit nagkasira ang mother ng aktres at ang manager nito.

Nagbago raw ng ugali ang nanay ng aktres nang makita ang contract ng anak sa mga assign­ments na nakuha ng manager.

Nalula raw yata ang nanay sa kita ng anak na aktres. Kasi kung malaki ang talent fee ng actress, malaki-laki rin siyempre ang commission ng manager.

Nanghihinayang daw yata si madir sa ibinibigay na com­mission sa manager kaya ayun, biglang nagbago ang ugali sa mana­ger ng kanyang anak hanggang umabot sa halos parang masamang-masama na raw ang loob ng kampo ng aktres na magbigay ng kita ng manager.

Naramdaman daw ‘yun ng talent manager. Eh wala naman daw planong maghabol ang mana­ger dahil kung hindi naman daw dahil dito ay tuluyan nang nawalan ng career ang aktres.

Kaya lang, kahit anong sabihin ng nanay ng aktres, wala naman daw itong magawa dahil may kon­trata pa ang aktres sa manager.

Ang say ng source, magsasalita sa tamang oras ang manager tungkol dito.

Kaya hintayin natin.

In fairness true ang say ng source na kung hindi naman talaga sa nasabing manager, hindi na sana nabuhay ang career ng aktres.

* * *

Game si Sarah Geronimo sa presscon ng Hating Kapatid kahapon. Game siyang suma­got tungkol sa kanyang lovelife without mentioning kung sino bang guy ang inamin niyang nakasakit ng damdamin niya.

Ayon kay Sarah, natuto na siya sa nangyari. Naka-move on na at ngayon, kaya na niyang sumagot kumpara noon na po at opo lang ang nasasabi niya pag tinatanong siya tungkol sa kanyang lovelife. “Dumating na sa point na na­saktan ako, pero wala na ‘yun. Nasasabi ko na ang nasa puso ko, hindi po at opo na lang,” sagot ng box-office queen kahapon.

Samantala, itinanggi naman ni Sarah ang tsismis na nakita siyang umiiyak kay Megastar Sharon Cuneta after mag-confess ng some­thing. “Wala pong time na mag-usap kami ni Ate Sharon. Di pa po kami dumating sa ganung level ng friendship, saka nahihiya rin po ako,” say niya sa nasabing intriga kung saan naki­pag­­biritan siya sa Megastar sa Pop Star episode ng Sharon na mapapanood ngayong Linggo sa ABS-CBN.

Hindi naman napilit si Juday na magkuwento tungkol sa mga confessions ni Sarah sa kanya particular na ang tungkol sa kanilang lovelife. “Ako lang talaga ang tsismosa. Kasi si Sarah, hindi siya ‘yung tipo na basta-basta nagku-kuwento, pero hindi ko siya tinigilan. Pero hindi ko puwedeng sabihin kung ano ‘yun, basta ang alam ko, isang lalaki lang ang nanakit sa kanya,” sabay tawa ni Juday.

Sino kaya ang lalaking ‘yun?

Anyway, showing na sa July 21 ang Hating Kapatid na dinirek ni Wenn Deramas for Viva Films.

* * *

Buti naman at naglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa ikinakalat na balita ng mga kakampi ni Willie Revillame na kesyo babalik na ito sa programang Wowowee sa July 31.

Heto ang official statement ng Kapamilya Network.

“Ang mga lumalabas na bali-balita tungkol kay Willie Revillame at sa Wowowee ay mga espekulasyon. Nag-usap na ang ABS-CBN mana­gement at si Willie kung ano ang options o mga posibleng gagawin pagkatapos ng kan­yang break. Wala pang napagkakasunduan ang ABS-CBN at si Willie. Kung mayroon mang pag­babagong magaganap, ito’y opisyal na ipa­hahayag ng ABS-CBN sa takdang panahon.”

Pirmado ang nasabing statement ni Mr. Bong Osorio, head, ABS-CBN Corporate Commu­nications.

AKTRES

ANNABELLE RAMA

ATE SHARON

AYON

HATING KAPATID

KUNG

MANAGER

SHY

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with