^

PSN Showbiz

Mga negosyante, tinatawagan para lumahok sa GKNF

- TV UPDATE -

Kasabay nang pagsisimula ng bagong adminis­trasyon sa bansa ay ang simula rin ng pagbangon ng kabuhayan ng mga Pilipino kaakibat ang ABS-CBN News and Current Affairs sa nalalapit na Grand Kapamilya Negosyo Fair 2 ngayong Agosto 14-15 sa SMX Convention Center.

Tinatawagan ng ABS-CBN ang mga negosyante na nais magbahagi ng kanilang karanasan at kaa­laman, magbenta ng kanilang mga produkto, at mag­bukas ng oportunidad na mag-franchise sa mga poten­siyal na distributors sa naturang two-day event kung saan magsasama-sama ang mga small, me­dium at micro entrepreneurs pati na rin ang mga nais magnegosyo.

“Kung gusto mong magsimula ng negosyo, maghanap ng kasosyo, o kaya palawigin lang ang iyong kuneksiyon, GKNF ang tutulong sayo,” sabi ni Baroy Morga na siyang utak sa likod ng GKNF.

Unang inilunsad ang Grand Kapamilya Negosyo Fair noong Nobyembre 2008 sa World Trade Center sa Pasay City kung saan mahigit 21,000 ang dumalo at binusisi ang mga serbisyo at produkto ng mahigit 80 exhibitors.

Naging bahagi rin ng matagumpay na GKNF ang mga sikat na perso­na­lidad na sina Giselle San­chez, Gladys Reyes, Aubrey Miles, at Joel Torre na nag­paunlak na magbahagi ng kanilang ex­perience sa pagtatayo ng kani-kanilang sariling negosyo.

“Mas pinalaki at mas pina-engrande pa namin ang GKNF para sa taong ito dahil plano naming doblehin ang bilang ng mga booths, at mag-imbita ng mas maraming celebrities nang sa gayun dumami pa ang mga taong da­­da­lo,” sabi ni Abi Katigbak, project head ng GKNF 2010.

Para sa mga katanungan kung paano maging exhibitor ay tumawag la­mang sa 729-6391 o pu­munta sa kanilang website na http://abs-cbn­news.­com/gknf para sa karagdagang impormasyon.

***

Nagiging tama ang mga plano ni Tiffany (Glaiza de Castro). Kung hindi siya nagtagumpay noon na mapatumba si Melody (Regine Velasquez), iba na ang target niya ngayon. Ipinadukot niya sa mga Bakal Street Boys si Martin (TJ Tri­nidad).

Dumating na nag-iisa si Melody sa kanilang bahay, nagtatampo pa siya kay Martin. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari rito.

Samantalantang si Martin ay dinala ng bakal boys sa isang hotel room at binigyan ng droga para ma­wala sa sarili. At doon niya narinig ang boses ni Melo­dy at pinaghuhubad siya inaaya siyang mag-make love.

Nagpaubaya siya sa paniniwalang si Melody ang kasama niya.

Pero nang magising siya kinaumagahan, si Tiffany ang katabi niya sa kama at ito pala ang ka-make love niya.

Sa kabilang banda, nag-aalala na si Melody sa pagkawala ni Martin.

Guilty si Martin sa nangyari sa kanila ni Tiffany at hindi niya alam ang gagawin – kung magsisinungaling siya kay Melody kahit alam niyang inosente siya.

Pero may ebidensiya ang ginawa nilang kasalanan ni Tiffany.

Na-blackmail siya.

Eh naghahanda na si Melody sa kasal nila.

Kaya ngayon hawak ni Tiffany si Martin sa leeg sa takot na isambulat ni Tiffany ang sex video nila.

Kaya hindi na nakaka-attend si Martin sa preparation ng kasal nila ni Melody dahil sa nangyari habang si Melody ay stressed na sa nasabing kasalan.

Si Gary (Mark Anthony Fernandez) naman ang makakasama ni Melody at tutulong sa wedding pre­parations in the absence of Martin. Gary enjoys this opportunity na masolo si Melody at the same time hurt that the girl he loves, loves his cousin.

Umiinit ang mga eksena sa Diva.

Sa nangyari sa kuwento, malamang na mawala na ang tampo ni Mark Anthony dahil hindi na si TJ (Martin) ang makakatuluyan ni Melody (Regine) kundi si Mark na.

***

Sa mahigit na 25 years ng The Total Performer dahil multi-awarded singer-songwriter-producer-ar­ranger-dancer-actor si Gary Valenciano, hindi pa rin siya perpekto. Wala naman talaga kasing perfect na tao. 

Kahit si Diomedes Saraza, Jr., na mas kilala sa tawag na “Junior Saraza” nang maging popular sa isang milk commercial habang tumutugtog ng violin, ay marami pang pagkukulang sa sarili. Kahit sabihing isa siyang gifted child at nakamit na niya ang grand prize sa Woodmere Music Club Young Artists Competition sa New York sa murang edad.

Panoorin si Mr. Pure Energy sa paglalahad niya ng buhay-teenager at ilang sikreto sa pakikipaglaban sa diabetes. Madidiskubre naman ang istorya sa likod nang nakamit na tagumpay ni Junior bilang magaling na musikero at bilang simpleng estudyante.

Paanoorin ang episode ngayong gabi (July 13, 11:00 p.m) sa The 700 Club Asia sa QTV at mag­silbing inspirasyon sina Gary V. at Junior. Si Peter Kairuz ang host. 

ABI KATIGBAK

AUBREY MILES

BAKAL STREET BOYS

GRAND KAPAMILYA NEGOSYO FAIR

MARTIN

MELODY

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with