Cesar drama agad ang gagawin sa GMA 7!
Hindi mahigpit ang TV5 sa kanilang contract stars pero payagan kaya nilang mag-promote ng Hating Kapatid si JC de Vera sa mga shows ng ABS-CBN dahil karamihan naman ng kasama ng aktor sa pelikula ay tagaroon pati ang direktor nitong si Wenn Deramas?
Anyway, hindi man masyadong nakita sa trailer ng Hating Kapatid na showing sa July 21 si JC, masaya pa rin siya na makasama sa pelikula at makapareha si Judy Ann Santos. Mahirap na mangyari ito, kaya in-enjoy niya.
Sa Viva Films din ang next movie ni JC, ang horror na Tumbok na sila ni Cristine Reyes ang magkapareha. Hindi sila makapagsimula ng shooting dahil sobrang busy ang aktres.
Samantala, ayaw nang balikan ni JC ang pagkumpara niya kay Rhian Ramos sa eraser sa naging relasyon nila noon. Sa tanong kung pinag-usapan nilang i-deny ang relasyon nila dati, sagot ni JC, “ako wala, ’di lang ako nagsasalita.”
Ngiti na lang ang reaction ni JC nang mabanggit ng press na itinanggi rin ni Rhian ang relasyon nila ni Mark Herras at ang relasyon nila ni Mo Twister.
***
Three words na “yes, it’s true” ang tweet ni Sunshine Cruz kahapon na ang intindi namin ay kumpirmasyon sa paglipat ng mister niyang si Cesar Montano sa GMA Network. Ang balita namin, kung matutuloy, ngayong Martes na pipirma ng kontrata bilang Kapuso si Cesar.
Isang soap agad ang gagawin ni Cesar at may isa pang show na isusunod pagkatapos. Hindi naman siguro two projects lang ang pipirmahan ng aktor.
***
Si Maricel Soriano pala ang peg ni Barbie Forteza sa karakter niyang si Charity sa Pilyang Kerubin. Sinunod niya ang suggestion ng ina na acting ni Maricel sa Inday Bote ang gayahin, kaya nag-research siya sa YouTube dahil ’di niya naabutan ang nabanggit na pelikula’t ang napanood na lang niya’y Inang Yaya.
Kabado si Barbie sa first meeting nila ni Maricel na ang unang bati sa kanya’y cute siya. Careful siya at sineryoso ang blocking at minemorya ang lines para hindi paulit-ulit ang take at para hindi mahirapan sa kanila si Maricel. Hindi nai-imagine ng bagets na makakasama ang Diamond Star.
Birthday ni Barbie sa July 31 at 13 years old na siya pero hindi magka-BF ang gusto, kundi ang magkaroon ng N8 Nokia na hihintayin niya ang labas sa September.
***
Dapat pala si Jolina Magdangal ang gaganap na wedding coordinator nina Melody (Regine Velasquez) at Martin (TJ Trinidad) sa Diva pero pinalitan siya ni Ricci Chan na gaganap sa role ni Sydney Lopa. Ano kaya ang naging problema kay Jolina? Sayang dahil kung hindi kami nagkakamali, isa si Regine sa pumipili sa nagiging guest sa kantaserye niya.
Samantala, mababawasan na ang tampo ng mga fans ni Mark Anthony Fernandez dahil sa nagiging takbo ng story ng Diva, paglalapitin na sila ni Melody. Si Martin (Mark) ang sumasama kay Melody sa paghahanda sa kasal nito kay Martin na problemado dahil bina-blackmail ni Tiffany (Glaiza de Castro) ng sex video raw nila.
- Latest