Daiana Menezes pinagbibintangang dahilan ng hiwalayan nina Vic at Pia
Kinarir na ni Zoren Legaspi ang pagluluto. At sinimulan niya ‘yun sa pagsa-shopping ng mga gamit sa kanilang kusina. Namili siya dahil nakita niyang luma na pala ang karamihan sa mga nasa kusina nila dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nagluluto. “Yung kutsilyo namin, parang kahit magnanakaw hindi gagamitin,” sabay tawa ng aktor nang makausap namin after the taping ng Kitchen Battles na napapanood sa Q11.
Wala raw kasing ibang nagluluto sa kanila kundi ang maid kaya hindi niya namalayan, lumang-luma na pala ang mga gamit nila sa pagluluto. Kaya nang bumalik ang interes niya rito ngayong nagho-host siya ng Kitchen Battles, sineryoso na niya.
“Noon kasi mahilig akong kumain sa labas. Kasi ayoko nang mamantika. Health conscious ako eh. Eh ang yaya pag nagluluto parang lumulutang sa mantika kahit piritong itlog lang. Saka ‘yung mantika, paulit-ulit nilang ginagamit kahit alam nilang iba na ang kulay. Kinakatuwiran nila, sayang daw kung itatapon agad. Eh paano naman kung magka-cancer kami,” pagkukuwento ng aktor tungkol sa kanilang mga maid of honor sa bahay.
Kaya ngayong personal na siyang nagluluto, nagma-market na rin siya.
At nang minsang magluto siya, sabi ng mga nakatikim, particular na ang mga kapamilya niya, ang asawang si Carmina Villaroel at kambal na anak, Cassy and Mavy, hindi lasang carinderia. Meaning pang-sosyal ang taste.
“Si Carmina ang mahirap pakainin. Kasi alam ko mahilig siya sa maalat. So medyo inalatan ko. Nang tikman niya, sabi niya, parang maalat daw. Nang medyo bawasan ko naman ang alat, matabang naman daw. Binigay ko na lang sa kanya ang salt and pepper para siya na lang ang magti-timpla,” may himig ng pagtatampo ni Zoren sa mga unang luto niya para sa asawa.
“Kasi ganun pala ‘yun. Iba ang feeling mo pag pinuri ang luto mo. Parang sinasabi sa ‘yo, ‘Pare ang galing mo sa sex, parang ganun ang reward,” sabi ni Zoren sa pakiramdam pag napuri ang niluto niya.
Pinakapatok na niluto niya ang baked chicken. Siya mismo ang nag-prepare ng lahat ng ingredient at presto, nasarapan sila.
Na-realize din niyang nakakainis pala ‘yung pag tinawag mo para kumain eh ang tagal bago sumunod. “Kasi iba na ang lasa pag lumamig na talaga,”
Actually, eversince, talaga raw gusto na niyang magluto. “Kasi noon, gustung-gusto ko kasi ‘di ba sinasabi nila na pag magaling kang magluto, marami kang magiging chicks,” sabay tawa niya.
Para patunayang seryoso siya sa bagong career, nag-enroll siya sa Center for Culinary Arts.
Two months ang kursong kinuha niya pero malamang daw na two weeks niya lang kukunin dahil madali siyang matuto sabay hagalpak ng tawa.
Para sa kanya, talagang hindi basta-basta ang pagluluto. Pinag-aaralan yun. “Iba kasi yung nababasa mo lang,” sabi niya.
Kaya siya, never na umasa sa recipe, mas feel niyang mag-experiment sa pagluluto.
***
Dahil inamin na nina Jericho Rosales at Cesca Litton ang tungkol sa kanila, may liberty na ring magkuwento ang kapatid ni Cesca na si Issa Litton, annotator ng Kitchen Battles, tungkol sa relasyon ng dalawa.
Nakakasama na raw nila si Jericho sa mga family gatherings nila. Several years ago daw ay nakatrabaho na niya ang aktor sa pelikulang Noon at Ngayon kung saan assistant director si Issa at good guy para sa kanya si Jericho.
Kilala na raw ang aktor ng buong pamilya nila pero hindi pa nila nami-meet ang angkan ng actor.
***
Marami nang naaliw sa programang Kitchen Battles.
Every week, merong 12 chefs – professional chefs mula sa prestigious hotels and restaurants chefs na may sariling mga businesses ang nagtatagisan ng galing.
Every week, dalawa sa 12 chefs warriors face each other in the kitchen battle field para magpagalingan gamit ang star ingredients na malalaman lang nila during the actual competition na kailangan nilang lutuin sa itinakdang oras.
Sa Sunday (July 18), magpapatuloy ang second round ng eliminations with Chef Warriors Janet Siy and Chef Mark Gustillo.
Every Sunday ito, 7:45 p.m. sa Q 11.
***
OMG, true kaya ang bulong ng isang source na si Daiana Menezes ang dahilan ng hiwalayan nina Vic Sotto at Pia Guanio?
Na-develop daw ang dalawa sa taping ng Ang Darling Kong Aswang na ipinalalabas sa TV5.
Matatandaang hindi pinayagan ng management ng GMA 7 si Pia na maging leading lady ni Vic sa nasabing sitcom sa Kapatid Network kaya si Daiana ang kinuha.
Hmmm, parang may basis ang kuwento. Pero we never know, kung true ito.
Hindi napanood si Pia last Sunday sa Showbiz Central dahil nasa shooting daw ito ng commercial sa Thailand.
Ayaw namang magsalita ng manager niyang si Tita June Torrejon tungkol sa nasabing issue.
- Latest