^

PSN Showbiz

Spongebob at Dora Kapamilya na

-

MANILA, Philippines - Ang dalawa sa pinakasikat at pinakaminamahal na animated charac­ters sa buong mundo, Kapamilya na!

Makisaya at makigulo sa mga adventures nina SpongeBob Square­Pants at Dora the Explorer sa pag-uumpisa ng Nickelodeon Time handog ng ABS-CBN Team Animazing sa July 26 (Lunes).

Talaga namang mas maganda ang umaga ng mga tsikiting kasama na ng buong pamilya dahil ibabahagi ni Dora ang mga bago nitong kaa­Laman sa ganap na 8:30 a.m. na susundan nang nakakatuwang mga kaga­­napan sa buhay ng kwelang si SpongeBob pagpatak naman ng 9:00 a.m.

Nakuha ng ABS-CBN ang eksklusibong rights para iere ang mga programa ng Nickelodeon gamit ang iba’t iba nitong platforms.

 “Malaki ang pagpapasalamat naming sa tiwalang ibinigay sa amin ng MTV Networks International lalo pa’t ang Nickelodeon ay isa sa pina­ka­malaki at talaga namang sinusundang brands sa buong mundo. Sigurado akong matutuwa ang mga kabataang Pinoy sa mga bago naming handog sa kanila tuwing umaga,” sabi ni Leng Raymundo, vice president para sa program acquisitions.

Ipapalabas din sa ABS-CBN ang iba pang kinahihiligang Nicktoons tu­lad ng Avatar, The Legend of Aang; Go Diego Go!, The Adventures of Jimmy Neutron, El Tigre, Ni Hao, Kai-Lan, at The Penguins of Madagascar.

Ang Nickelodeon ay isang network na inuuna ang interes mga kaba­taan, at ngayo’y network na pinakatinatangkilik ng mga kabataasn sa Estados Unidos. Ito ay pag-aari ng Viacom International na siya ring may-ari ng sikat na music channel na MTV.

ADVENTURES OF JIMMY NEUTRON

ANG NICKELODEON

DORA THE EXPLORER

EL TIGRE

ESTADOS UNIDOS

GO DIEGO GO

LEGEND OF AANG

LENG RAYMUNDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with