Relasyon sa lesbian consistent na issue sa TV personality
Consistent ang kuwento – lesbian daw ang karelasyon ng isang TV personality kaya hindi ito magka-boyfriend. Ayon sa isang source, parati raw kabuntot ng TV personality ang nasabing lesbian na may connection din sa showbiz.
One time nga raw, parang na-shock si TV personality dahil may nakita siyang dating kakilala eh kasama niya ang nasabing lesbian. Kaso wala na raw choice si TV personality kundi ang ipakilala ang kanyang kasama sa nakita niyang kakilala.
Actually, matagal na raw ang issue sa nasabing TV personality ang tungkol sa special friend nitong lesbian pero walang may lakas ng loob na magtanong sa kahit kaibigan ni TV personality.
Well, kung doon siya maligaya, hayaan natin siya.
Sikat ang TV personality na ito at iginagalang ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
* * *
Tinanggap ng ABS-CBN ang resignation ng ABS-CBN News Channel anchor na si Ricky Carandang. “ANC Management accepted the resignation of anchor Ricky Carandang, which he submitted Friday, July 9 2010,” sabi sa kaperanggot na statement ng ABS-CBN kahapon.
Ibig sabihin nito, tinanggap ni Mr. Carandang ang offer ng Malacañang na maging part ng communication team ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kasama ang isa pang host (The Explorer) ng ANC na si Manuel Quezon III na bubuo sa nasabing communication team ng bagong pangulo.
* * *
Maglalabas bukas sa The Buzz ng official statement ang lawyer ni Kris Aquino tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ng asawang si James Yap. Isasabay ang nasabing statement sa relaunching ng The Buzz ngayong araw kung saan papasok sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga bilang karagdagang host ng programa.
Anyway, ang hula ng ilan, hahantong na sa hiwalayan ang pagsasama ng mag-asawa sa kabila ng statement na inilabas ng basketbolista na hindi niya pababayaang tuluyang mawasak ang kanilang pagsasama.
Matigas na raw ang desisyon ni Kris at hindi na magsasalita tungkol sa issue dahil binawalan na rin ito ng kanyang lawyer.
- Latest