^

PSN Showbiz

Kaya sinusumpa raw ni Kris, James may nabuntis daw na fan???

-

MANILA, Philippines - Bukod sa pagiging sikat na aktres at TV host, kilala rin si Queen of All Media na si Kris Aquino bilang mommy na mahilig magluto. Patunay dito ang ilang product endorsements ni Kris na may kaug­nayan sa kusina at pagkain, kung saan kabilang ang kanyang K Everyday Cookware Col­lection.

Ibinahagi ni Kris sa isang interview na sa kanilang tahanan, kitchen ang mas pinagtutuunan niya ng atensiyon. Gamit ang K Everyday Cook­ware Collection, ‘best relaxation,’ ayon kay Kris, ang pagluluto para sa mga mahal niya sa buhay lalo na para sa kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James.

Katulad ng iba pang bahagi ng kanyang Home collection, ang lahat ng produktong kabilang sa kan­yang K Everyday Cookware Collection ay personal niyang sinubukan at pumasa sa kanyang standards. Bawat item sa cookware collection ay swak sa mga budget-conscious na Pinoy.

Exclusively manufactured ng Metro, sa pamamagitan ng ABS-CBN Licensing, kabilang sa K Everyday Cookware Collection ang mga bagong labas na kitchenware, cooking utensils, acces­sories at cutlery.

Mabibili na ang K Everyday Cookware Col­lection sa SM Homeworld section ng SM Depart­ment Stores nationwide.

Hmmm, ibig sabihin talagang ang mga anak na lang niya ang nilulutuan ng controversial TV host kahit noong nagsasama pa sila ng asawa niyang si James Yap. Eh ni hindi nabanggit ang pa­­ngalan ng basketbolista kahit noong hindi pa sila hiwalay di ba? Parang never siyang ipinagluto ni Kris?

Anyway, bakit kaya dinidikdik nilang i-link si Kris kay Senator Chiz Escudero? Malinaw na Chiz-Kris sa 2016 ang issue. Meaning pulitika ang usa­pan at hindi personal na buhay. Nag-deny na si Kris sa issue na may third party sa kanilang hiwa­layan. Pero ayun pinipilit silang i-link.

Hallllorrr.

Ang issue ngang naririnig ko, si James daw ang may nabuntis na babaeng fan kaya hanggang la­ngit ang galit ng asawang TV host. Pero siyempre, hearsay lang ang nasabing balita. Kaya mahirap mag-speculate na totoo ito.

Ayaw ni IL ng ganito. Kaloka.

* * *

Kabayang Noli binalikan ang First Love

Handa na ang buong bansa sa pagbabalik ni dating Vice President Noli ‘Kabayan’ De Castro sa radyo simula Lunes (Hulyo 12) ng umaga sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26).

Muling maghahatid ng pinakamainit na balita at serbisyo publiko si Kabayan mula Lunes hang­gang Biyernes, 5:00 a.m-7:00 a.m sa programang  Kabayan: Kapangyarihan ng Mamamayan, Balita at Talakayan.

“Excited akong bumalik sa broadcasting dahil ito ang first and one true love ko. Sabik na rin ako sa magiging pagtanggap ng tao sa aking pagbabalik,” ani De Castro na kinikilala bilang isang icon sa broadcasting sa Pilipinas.

Sa pagdating ni De Castro, lalo pang lalakas ang umaga sa DZMM na tampok din ang mga prog­ramang Tambalang Failon at Sanchez kasama sina Ted Failon at Pinky Webb at  Dos Por Dos kasama sina Anthony Taberna at Gerry Baja.

Kasabay ng pagbabalik ni Kabayan ang pagdiriwang ng ika-24 na taon ng DZMM, na kamakailan lang ay itinanghal na Radio Station of the Year sa The Rotary Club of Manila Jour­nalism Awards.

“Sa pagbabalik ni Kabayan at sa pagdadala sa DZMM TeleRadyo sa iba’t ibang parte ng mundo, muling pinapatunayan ng DZMM na tunay kaming una sa balita at sa public service. Ito ay inia­alay naming lahat sa mga Pilipino,” ani ABS-CBN Head for Manila Radio Division and Sports Peter Musngi

ANTHONY TABERNA

BABY JAMES

DE CASTRO

K EVERYDAY COOKWARE COLLECTION

KABAYAN

KRIS

LEFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with