^

PSN Showbiz

Dalawang actor naghahanap ng manager para magka-career uli

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Parehong naghahanap ng bagong manager ang dalawang aktor na ito para tumulong sumigla uli ang kani-kanilang career.

Si Actor A ay umalis sa poder ng manager dahil feeling nito, walang natupad sa mga ipinangako sa kanya.

Hindi naging maganda ang kanilang paghi­hiwalay lalo’t ang parting shot ng manager sa actor ay hindi na nito panahon dahil matanda na siya. Ouch! Hurt ang actor sa narinig at patu­tunayan nito sa nilayasang manager na kaya pa niyang magka-project.

Gusto ring umalis sa kanyang manager ang isa pang actor, nagpapa-release si Actor B sa kon­trata niya sa manager na ilang taon pa yatang tatakbo. Ang kawalan ng project din ang problema nito, but in fairness, masipag maghanap ng project sa kanyang mga talent ang manager nito. Tama siguro ang sinabi ng manager kay Actor B na kaya hindi umusad ng husto ang kanyang career dahil hindi siya marunong umarte. Ouch again!

* * *

Co-producer ang Quantum Films sa Cine­malaya entries na Magkakapatid at Sam­paguita, National Flower, kaya busy si Atty. Joji Alonso na ipaalam sa mga tao na kasali ang dala­wang magagandang pelikula sa Cinemalaya na magbubukas bukas, July 9 sa CCP.

Tsika ni Atty. Joji, ang share niya sa gross ng Here Comes the Bride ang ginastos niya sa pagpoprodyus ng Magkakapatid na written and directed by Kim Homer Garcia at ang Sam­paguita na sinulat at dinirehe rin ni Francis Xavier Pasion na director din ng Jay.

Semi-documentary ang Sampaguita na sabi ni Atty. Joji, perfect sa State of the Nation Address ni P-Noy dahil ‘pag napanood, mag-iiba ang tingin natin sa sampaguita vendors at sa Tomas Morato kung saan maraming sampaguita vendors. Sa July 12, 6:00 p.m., ang gala premiere nito sa

Main Theater ng CCP.

Inspired naman ng true story ang Magkakapatid at kuwento palang ni direk Kim, gusto na naming pano­orin. Tama ang sinabi ni Julio Diaz na may vital role ang dinuguan sa movie.

Nalaman namin kay Atty. Joji na hindi niya itinu­loy isali sa Metro Manila Film Festival ang Wang-As na pagbibidahan ni Eugene Domingo. Marami raw special effects ang movie at kailangan ng mahabang panahong preparation, kaya next year na lang ito gagawin ng Quantum at Strangers na ang magiging title.

* * *

Umalis na si Richard Gutierrez kahapon para mag-shoot ng Survivor Philippines : Celebrity Edi­tion, pero tinapos muna nito ang mga eksena niya sa In Your Eyes. Na-tweet ni Anne Curtis na “officially done” na ang shooting nila at dahil sa August 18 pa ang showing, may ma­haba pang pa­na­hon si direk Mac Alejandre na pagandahin ang movie.

Maganda ang trailer ng movie na ang des­crip­tion ni direk Mac ay straight drama at in-explore ang puso ng three major characters. In-explain din ng direktor na kaya nag-shooting sila sa States ay dahil malaking percent ng story ay naka-sentro sa Amerika. Intriguing din ang sinabi ni direk Mac na sa In Your Eyes, mai­ing­git ang mga lalake kay Richard.

Samantala, naayos kaya ng Viva Films at GMA Films ang billing nina Claudine, Richard at Anne? Suggestion ni Alfie Lorenzo na itaas ng konti ang name ni Richard na napapa­gitnaan nina Claudine at Anne. Pumayag din kaya ang kampo ni Anne na walang “and” sa pagitan ng pangalan nila ni Richard?

* * *

Sa Trudis Liit, nahuli ni Tandang Celia sa kani­lang pinagtataguan sina Trudis at Upeng at nagya­kapan at nag-goodbye sa isa’t isa ang mga bata sa pag-aakalang katapusan na nila at lulutuin na sila ng matandang inakala nilang aswang.

ACTOR B

ALFIE LORENZO

ANNE CURTIS

CELEBRITY EDI

CLAUDINE

EUGENE DOMINGO

IN YOUR EYES

JOJI

MAGKAKAPATID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with