Aktres inamin ang relasyon sa controversial personality!
Postponed ang presscon kahapon ng Artist Center ng GMA 7 para kay Gino dela Peña dahil nagkaproblema sa pagbalik niya sa Maynila.
May taping si Gino ng X-Life sa Visayas area at hindi yata natapos kunan ang kanyang mga eksena kaya minabuti ng Artist Center na huwag ituloy ang presscon.
Ang X-Life ang show nina Gino, JC Tiuseco at Stephanie Henares na napapanood sa QTV 11 tuwing Miyerkules. Matagal nang contract star si Gino ng Artist Center at nakilala siya sa TV commercial ng isang sikat na hamburger.
* * *
Inamin sa akin ng isang aktres ang relasyon nila ng mhin na matagal nang nali-link sa kanya.
In fairness sa akin, hindi ako nagulat sa pag-amin ng aktres dahil kumpirmasyon na lang ito ng tsismis na matagal nang pinag-uusapan.
Ipapaubaya ko sa aktres at sa kanyang dyowa ang pag-amin sa publiko. Ayoko nang makisawsaw sa isyu dahil medyo complicated ang kanilang love affair. Hindi ko pinangarap na magalit sa akin ang pamilya ng mhin ‘noh!
* * *
May emote ang reader na si Allan Asuncion ng Middle East. Hindi natutuwa si Allan sa mga balita tungkol sa paghihiwalay nina Kris Aquino at James Yap.
Non-sense raw ang isyu at hindi dapat pag-aksayahan ng space.
Iginagalang ko ang opinyon ni Allan pero kahit nasasawa na ito sa James-Kris issue, wala siyang magagawa dahil ang problema ng mag-asawa ang tinututukan ng mga kababayan natin na mahilig sa tsismis.
Ang break-up nina Kris at James ang favorite topic ng mga intrigero at intrigera. Hindi kumpleto ang kanilang araw kung wala silang mga update sa status ng relasyon nina James at Kris.
Sa tagal ko sa showbiz, very predictable na ang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga showbiz scandal at break-up. Kung maayos ang pagsasama ng mag-aasawa, iniintriga na magkakahiwalay sila pero kapag hiwalay na, ang pagbabalikan nila ang hinihintay ng mga tao.
* * *
Beauty & Butter at hindi Beauty & Bar ang correct name ng beauty salon na pag-aari ng aking bestfriend na si Rubby Sy na owner din ng Flawless.
May nalito yata sa pagsusulat sa name ng Beauty & Butter kaya Beauty & Bar ang naisulat nila.
Ako na ang magtutuwid sa pagkakamali para hindi malito ang mga tao na nagpaplano na bumisita sa sosyal na beauty salon ng Beauty & Butter na located sa selected branches ng SM.
Popular na popular sa bagets crowd ang Beauty & Butter dahil mura ang presyo ng services at pang-bagets ang kulay ng sosyal pero affordable na beauty shop.
* * *
Napanood na ni Alfred Vargas ang Paglilitis ni Andres Bonifacio at satisfied siya sa kanyang performance.
Official entry sa 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang Paglilitis ni Andres Bonifacio. Si Alfred ang gumanap na Andres Bonifacio at proud siya na nakatrabaho niya si Mario O’Hara, isa sa mga mahuhusay at iginagalang na filmmaker sa ating beloved country.
- Latest