Rachelle Ann hiwalay na sa rakistang BF
Wala si Rachelle Ann Go at isang buwan itong wala dahil guest sa concert tour ni Arnel Pineda, kaya hindi masasagot ang nasagap naming balita na nag-break sila ni Kean Cipriano two weeks ago, bago siya umalis.
Walang rasong ibinigay ang aming source sa break-up nina Rachelle at vocalist ng Callalily at bahala na kaming magtanung-tanong. Mukhang mahihirapan kaming tanungin si Kean dahil parang ayaw nito sa showbiz press at kung sumagot man ay sobrang tipid.
Nang ma-interview namin si Rachelle Ann sa last taping day niya sa Diva, tinawanan lang ang isyu sa kanila ni Kean. Sabi niya, lumalabas lang sila ng bokalista, magkasundo sila dahil pareho silang mahilig sa pop rock pero hindi ito nanliligaw sa kanya. Naiinis pa raw siya sa tsikang third party siya sa break-up nina Kean at Arci Muñoz dahil hindi totoo.
Ngayon namin naisip na break na that time sina Rachelle Ann at Kean, kaya ganun ang sagot nito. Pati sa tanong kung posible siyang ma-in love kay Kean, ang sagot ni Rachelle Ann ay, “Ayokong sabihin kung may chance siya, mabait naman siya,” ’yun pala break na sila.
Anyway, pagbalik saka pa masasagot ni Rachelle Ann kung masusundan ng another acting project ang guesting niya sa Diva, kung saan nag-enjoy siya ng husto at flattered siya dahil si Regine Velasquez mismo ang nag-request sa kanya.
* * *
Natawa ang press sa sagot na “mabait ang dad niya” ng isang controversial actress nang tanungin kung okay na sila ng mother ng ex-BF niya na minsan niyang naka-word war. After sumagot, buong ningning na ngumiti ang aktres at nakiusap na ’wag nang pag-usapan ang hindi kagandahang naging relasyon niya sa ginang.
Puro naman papuri ang actress sa ama ng ex dahil since day one ng relasyon nila ng aktor, mabait na sa kanya ang ama ng dating nobyo at natutuwa siya na hanggang ngayon kahit hindi sila nagkatuluyan ng anak nitong aktor ay mabait pa rin ito sa kanya.
* * *
Hindi na mabilang ni TJ Trinidad kung ilan na ang nakanta niya sa Diva at wish nitong bago matapos ang kantaserye, makanta sana niya ang suggested songs niyang Crazy Little Thing (Called Love) ng Queen at Himig Natin ng Juan dela Cruz band.
Heto pa, ipu-pursue na rin niyang makapag-record ng album na hindi niya nagawa noong vocalist pa siya ng mga bandang Heavy Traffic at Buds & Buddies.
Thankful din si TJ sa mga fans na nagkagusto sa tambalan nila ni Regine Velasquez at ’di raw niya makakalimutan na mabait sa kanya si Songbird. Isa naman sa nagustuhan niya sa Diva ay ang kumanta at umarte at the same time.
“For me it’s a gift and I’m grateful for the chance to do both. I’m in love with the show, napamahal sa akin ang Diva. I’m very passionate with the show and music is very important to me. After Diva, I’m not sure if papasok ako sa Party Pilipinas,” pag-update sa amin ni TJ.
* * *
Lalabas na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Marian Rivera sa Endless Love mamaya dahil sa pagbabalik ni Johnny (Dingdong) mula sa ibang bansa, malaki na siya. Hinanap nito agad si Jenny (Marian) dahil wala na ito sa dati nilang bahay.
Makikilala ni Jenny si Andrew (Dennis) sa pinagtatrabahuhang hotel ni Jenny na ’di niya alam ay pag-aari nina Andrew.
- Latest