Sarah nakakasabay sa galing ni Juday
May bagong karagdagan sa mga characters na ginagaya ni Willie Nepomuceno. Nadagdag si bagong Pangulong Noynoy Aquino. Parang sa lahat nang ginagaya niya, pinaka-kamukha niya si P-NOY. But then, nakamukha rin niya noon sina Presidente Fidel Ramos at Presidente Joseph “Erap” Estrada.
I’m sure maaaliw ang bagong pangulo sa impersonation sa kanya ni Willie.
* * *
Ano kaya ang kahihinatnan ng demanda ng GMA Network kay Mo Twister? Naghi-hearing na yata sila kaya hindi nakakalabas ang dating Kapuso artista sa palabas ng TV5 na Juicy.
Siguro sinabihan na rin si Mo ng TV5 na huwag munang mag-appear sa nasabing programa.
* * *
Sana napanood n’yo ’yung exposure ko sa Diva. Ilang araw ding lumabas ang character ko sa malapit nang matapos na serye na nagtatampok kay Regine Velasquez.
Ang saya ng atmosphere sa taping. Parang naglalaro lang ang lahat at hindi nagtatrabaho. Hindi ko nga alam kung talagang nakakatawa ako o pinagtatawanan lang ako nina Regine at Jaya. Every time kasi na makita nila ako ay tawa sila nang tawa. At hindi lamang sila tumatawa, humahagikgik pa.
Sana bigyan pa ako ng GMA ng mga ganung guestings. Napupunan ’yung mga oras na wala akong ginagawa. At nararamdaman ko na artista rin ako.
Thanks in advance sa GMA.
* * *
Malaki ang expectations sa movie nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Napaka-simple lang ng title pero ’yung istorya ang malalim. Napakatindi ng komprontasyon ng dalawa. Magaling si Juday pero nakakasabay sa kanya si Sarah.
Sayang may pinaplano sana akong movie nina Nora Aunor at Sarah, kung dumating lang ang Superstar. Ang kaso, wala man lang akong naririnig kay Nora, ni hindi ko na alam kung uuwi pa dito o hindi na. Maski mga Noranians, walang alam kaya habang naghihintay sila sa idolo nila, sinusuportahan muna nila si Jake Vargas.
* * *
Suwerte rin ang isa ko pang alaga na si Joshua Pineda. Napili ito para sumali at maging kinatawan ng bansa sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa Hollywood. Ito ’yung international competition na sinasalihan ng maraming bansa hindi lamang sa singing kundi maging sa dancing at acting. Dito nanalo si Jed Madela.
Magaling namang singer si Joshua na gumaganap na anak nina Michael V. at Manilyn Reynes sa Pepito Manaloto.
Sana manalo si Joshua, makakadagdag din ito para sa mabilis niyang pagsikat dito sa ating bansa.
Good luck, Joshua!
- Latest