^

PSN Showbiz

Naglalagareng director bawal na sa MMFF!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nang una naming makita ang aktres ay gan­dang-ganda kami sa kanya laluna nang una itong magparetoke ng ilong. Bahagyang tumangos ang ilong dahil maganda ang pagkakagawa.

Pero ngayon ay marami na naman ang naka­pansin na nagparetoke na naman ito dahil nadag­dagan pa ang tangos ng ilong nito na halos butas na lang ang nakikita kaya medyo nagbago na ang itsura nito ngayon.

Mabuti na lang at sa kabila ng kanyang pagiging kontrobersiyal ay nakakabalik ito sa showbiz at nga­yon ay kabi-kabila ang mga proyektong ginagawa.

* * *

Napili na ang walong scripts na official entries sa darating na Metro Manila Film Festival - Agimat ni Enteng, Ang Tanging Ina Mo Rin, Dalaw, Father Jejemon, Rosario, RPG, Shake, Rattle and Roll XII at Super Inday & The Magic Bebe. Ang chairman ng selection committee ay si AGM Corazon Cruz ng planning section ng MMDA.

Nangako ang mga bumubuo ng Executive Committee na gagawin nilang higit na bongga at makasaysayan ang MMFF 2010.

Hindi nabago ang criteria sa pagpili ng walong entries pero may ilang napalitan sa rules and regu­la­tions - gaya ng dapat ang isang direktor ay naka-focus sa isang pelikula lang para ang quality ng pelikula ay hindi mag-suffer. Dati kasi ay pu­wede ang isang direktor sa dalawang pelikula na pare­hong kasali sa filmfest. Hindi rin dapat magkaroon ng dala­wang pelikula ng isang genre lang.

Si Kris Aquino ang bida sa Dalaw na isang suspense-thriller movie at suwerte naman dahil napili ring bida ng Rosario si Jennylyn Mercado na ayon sa isang reliable source ay dapat nang magbago dahil may attitude problem daw ito.

Sila ang dalawa sa mga bida sa walong pelikula ng MMFF 2010.

* * *

Napakagandang bata ni Barbie Sabino na ang tunay na pangalan ay Jemimah Anne Sabino (8 years old) na nadiskubre ni Direk Bobot Mortiz at ngayon ay kasama sa pelikulang Cinco sa episode na Paa ng Star Cinema.

Nagsimula siya sa edad tatlo at lumabas sa maraming komersiyal hanggang pasukin ang pag-aartista.

Talagang hilig nito ang mag-artista at nakagawa na ng ilang pelikula.

Bukod sa Cinco ay kasama rin ito sa Noah, Rosalka, Magkaribal, at Goin Bulilit.

Ang Paa episode ay unang directorial job ni Enrico Santos.

Ipalalabas ito sa July 14 sa more than 100 theaters nationwide.

vuukle comment

ANG PAA

ANG TANGING INA MO RIN

BARBIE SABINO

BOBOT MORTIZ

CINCO

CORAZON CRUZ

DALAW

ENRICO SANTOS

EXECUTIVE COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with